Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 393 - Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (3)

Chapter 393 - Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (3)

Noong bata pa si Qiao Anhao, marami siyang mga kaklase na nagkakaraoon ng karelasyon sa murang edad pero dahil natatakot ang mga ito na mahuli ng kanilang mga teachers, nagpapanggap nalang ang mga ito na hindi magkakilala sa loob ng eskwelahan at kapag uwian na, nakikita niyang magkakahawak ng kamay ang mga ito habang naglalakad.

Tuwing Sabado at Linggo, hindi kailangang maguniporme ng mga kababaihan kaya pwede silang magsuot ng mga magagandang bistida. Marami sa mga ito ang nagsisinungaling sa kanilang mga magulang na magpapaalam para lumabas kasama ang mga kaibigan nilang babae, pero ang totoo ay makikipagkita talaga sila sa mga lalaking nagugustuhan nila para manuod ng pelikula, bumili ng malaking kahon ng popcorn at tig'isang coke. Tunay ngang maituturing itong napaka simpleng date pero hindi maihahambing ang kagandahan nito.

Noong mga panahong iyon, lagi siyang nangangarap: Kailan kaya ako makakanuod ng pelikula na kasama si Lu Jinnian..?

'Yun ang itinuturing niyang pinaka magandang pangarap noong kabataan niya. Pangarap ng isang trese anyos na kahit kailan ay hindi nagkaroon ng katuparan.

Kung hindi talaga sila ang nakatadhana para sa isa't-isa, bakit hindi nila sulitin ang mga natitirang araw na sabay silang umiyak, tumawa, kinilig, at nasaktan. Gusto niyang sa huling pagkakataon ay gumawa sila ng mga magagandang alaalang panghabang-buhay na mananatili sakanila. 

Nagulat si Lu Jinnian sa gustong mangyari ni Qiao Anhao kaya hindi siya nakasagot kaagad. Hindi niya maipaliwag ang sobrang saya na bigla niyang nararamdaman, kaya kahit noong sandaling nagsalita na siya, halatang halata sa boses niya ang naguumapaw na kaligayahan. "Sige, magbu'book ako ng mga ticket."

Natuyo na ang mga luha ni Qiao Anhao kanina pero ngayon na kausap niya si Lu Jinnian, muli nanamang tumulo ang mga ito. Ngumiti siya at kalmadong sinabi, "Mm, pero kailangan ko pang ifilm ang pinaka huli nating eksena sa gabing 'yun, kaya mas maganda siguro kung sa hapon mo i'book.

"Sige," Walang pagtutol na sagot ni Lu Jinnian. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita, "May iba ka pa bang gusto?"

"Wala…" Kinagat ni Qiao Anhao ang kanyang labi bago magsabi ng "Bye", at dali-daling ibinaba ang tawag. Iniangat niya ang kanyang ulo para tignan ang kulay asul na kalangitan at huminga ng malalim para pigilan ang kanyang mga luha na ayaw tumigil sa pag'agos.

Si Lu Jinnian ang tanging lalaking minahal niya sa loob ng labintatlong taon. Pinangako niya sa sarili niya noon na ito lang ang taong mamahalin niya habang buhay.

"In my whole life, I will only love you" ito ang pinaka maganda at romantikong mga salitang naisulat niya para rito.

Pero ang lalaking minahal niya ng buong puso ay siyang nanakit rin sakanya ng sobra.

Nang isa-isang mailatag sa harapan niya ang lahat ng ebidensya, wala na siyang dahilan na magtanong pa, kaya ngayon, hindi niya na sinubukang tanungin ito ng, "Lu Jinnian, pinabort mo ba ang anak ko o hindi? Dahil sigurado naman siya sa sagot nitong "Oo". Kung magyayari 'yun, hindi ba parang sobrang nakakailang naman?

Ilang sandali ring nakatingala habang nakapikit si Qiao Anhao bago niya kunin ng sabay ang ipinadala sakanyang abortion paper kahapon at ang resulta ng kanyang check-up ngayon. Pinunit niya ang mga ito ng napaka liliit at walang pagdadalawang isip na itinapon sa basurahan na nasa tabi niya.

-

Dahil sabado ngayon, anim na araw pa ang kailangan nilang hintayin bago mag Biyernes. Pagkababang pagkababa ni Lu Jinnian ng tawag ni Qiao Anhao, agad niyang tinawagan ang kanyang assistant para magpatulong na magbook ng dalawang VIP tickets.

Sinabi niya lang ang sa assistant kung ano ang sinabi sakanya ni Qiao Anhao, "Sa Biyernes ng gabi, pareho kami ni Qiao Qiao na kailangang magfilm ng huli naming eksena, kaya mamili ka ng panghapon…Siguro gusto niya pang magpahinga ng konti, kaya pang alas tres nalang ang kunin mo… Oh, wag mo rin palang kalimutan na sa non-smoking area ka magbook ng mga upuan. Ayaw kasi ni Qiao Qiao ang amoy ng mga sigarilyo…

"Isa pa, kailangan sa gitna ang makuha mong mga upuan. Hindi kasi komportableng manuod sa gilid. Maglagay ka na rin ng kumot sa sasakyan para hindi na makalimutan dahil dalawang oras ang haba ng pelikula kaya baka sipunin siya kung magiging masyadong malamig ang aircon.

"Oh, tama, maghanda ka rin ng dalawang unan, para kung sakali na hindi kami maging komportable sa mga posisyon namin, may magagamit kaming pangsuporta sa likod."

"Sobra sobra naman ata yan para sa manunuod ng pelikula, Mr. Lu!" pareklamong sabi ng assistant sa kaloob looban niya. Pero kailangan niya pa ring respetuhin si Lu Jinnian kaya pumayag lang siya sa lahat ng sinabi nito at nagtanong, "Mr. Lu, may iba ka pa bang gusto?"