Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 381 - Saan ako nagkulang? (11)

Chapter 381 - Saan ako nagkulang? (11)

Hindi sigurado si Qiao Anhao kung nagkaroon ba talaga siya ng D&C procedure. Isa pa, ang ganitong klase ng operasyon ay kadalasan confidential at alam niyang hindi maglalabas ang mga doktor ng kahit anong detalye kaya naisipan niyang lumapit sa isa niyang kaibigan na nagtatrabaho sa city hospital para humingi ng isang pabor- ang hanapan siya nito ng gynecologist.

Dahil kasalukuyang nagtatrabaho ang kanyang kaibigan, hindi siya pwedeng samahan nito, pero sinigurado naman nito na naihanda ang lahat ng kakailanganin niya. Sinundan ni Qiao Anhao ang address na ibigay ng kanyang kaibigan para puntahan ang gynecologist.

Bago palang dumating si Qiao Anhao sa address na sinabi ng kanyang kaibigan, alam na ng doktor ang gusto niyang mangyari kaya pagkadating niya palang ay tinanong na kaagad ang kanyang pangalan. Matapos niyang maibigay ang lahat ng kailangang impormasyon, agad na inenter ng doktor ang pangalan at identification number niya sa search. Ngunit, walang lumabas na kahit anong record sa computer.

"Walang kang record sa system namin," sabi ng doctor habang itinuturo ang monitor ng computer.

Tinignang maigi ni Qiao Anhao ang nakasulat sa screen ng computer at medyo kumunot ang kanyang mga kilay. So ibig sabihin ang sulat na natanggap niya galing pala sa isang taong gusto lang siyang lokohin?

Pero gusto pa ring kumpirmahin ni Qiao Anhao ang katotohanan kahit sa pinaka huling pagkakataon, kaya muli siyang nagtanong, "Hindi kaya may nagkamali lang?"

Umiling ang doktor. "Hindi yun pwedeng mangyari. Dahil confidential ito, dinodocument namin ang bawat procedure para magsilbing ebidensya kung sakali mang kailanganin ang mga ito for future legal purposes. Ngayon, wala akong nakitang kahit anong detalye tungkol sa naging operasyon mo, at ang ibig sabihin lang 'nun ay hindi ka nagkaroon ng D&C sa ospital namin."

Biglang kumalma ang pakiramdam ni Qiao Anhao nang makita niya na sigurado ang doktor sa sinasabi nito. Hindi na siya nagtagal pa, matapos niyang magpasalamat sa doktor, nagpaalam na rin siya kaagad at umalis.

Habang naglalakad palabas ng gynecology at obstetrics block, hindi nakalimutang tawagan ni Qiao Anhao ang kanyang kaibigan para magpasalamat. Nang tanungin siya nito kung anong nangyari sakanya, napangiti nalang siya at sinabing nagkamali lang. Biglang natawa ang kaibigan niya na nasa kabilang linya at sinabi nito na baka may nagloloko lang sakanya gamit ang mga D&C forms. Natawa nalang rin siya habang iniisip kung paano siya mag kanda hilo hilo kakaisip kung talaga nga bang nagkaroon siya ng D&C.

Sa kabila ng pangaasar ng kanyang kaibigan, hindi na dinetalye ni Qiao Anhao ang mga nangyari. Nakipagkwentuhan lang siya sadlit at ibinaba niya na rin kaagad ang tawag.

Nang malaman niyang hindi naman pala siya nagkaroon ng D&C, bigla tuloy siyang nagtaka kung sino ang pwedeng gumawa 'nun sakanya, pero kumpara kanina di hamak na mas panatag na siya ngayon.

Saktong palabas na si Qiao Anhao sa pintuan ng ospital pero bigla siyang napahinto nang may isang taong nagtanong sakanya, "Excuse me, ikaw ba si Miss Qiao Anhao?"

Sobrang nagulat si Qiao Anhao dahil hindi niya inakalang may makikilala sakanya kahit nakasuot na siya ng sombrero at mask. Tinignan niya lang ang taong tumawag sakanya at hindi siya nagsalita.

Nasa trenta anyos na ang babae base sa tantsa ni Qiao Anhao at nakasuot ito ng unipormeng pang nurse. Nang makita ng nitong tumingin si Qiao Anhao, muli itong nagsalita, "Ako yung nagpadala ng sulat sayo. Pwede ba kitang kausapin kahit sandali?"

Bakas sa mga mata ni Qiao Anhao ang sobrang pagkagulat sa kanyang narinig. Itinuro niya ang kanyang sasakyan na nakaparada sa hindi naman kalayuan at naglakad papunta doon kasama ang babae.

Nakasunod sakanya ang nurse.

Isinakay ni Qiao Ahao ang nurse sakanyang sasakyan upang dalhin ito sa isang lugar na wala masyadong tao. Pumasok sila sa makipot eskinita para makarating sa isang bakuran na halos katabi lang din ng ospital. Inihinto niya ang sasakyan at tumungin sa nurse para tanungin ito, "Bakit mo ipinadala ang sulat na 'yun sakin?"

Hindi alam ng nurse kung paano siya maguumpisa sa dapat niyang sabihin. Ilang sandali rin siyang nagalangan bago siya magsalita. Humingi muna siya ng tawad kay Qiao Ahao at sinabi, "Miss Qiao, pasensya na talaga pero nagkaroon ka talaga ng D&C. Nakaduty ako noong gabing inoperahan ka.