Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 379 - Saan ba ako nagkulang? (9)

Chapter 379 - Saan ba ako nagkulang? (9)

Muling sumagot si Lu Jinnian, [Goodnight], at nang maramdaman niyang hindi na sasagot si Qiao Anhao, tuluyan na siyang pumasok sa CR.

Pagkalabas niya ng CR, gusto niya sanang manigarilyo dahil nakasanayan niya na 'tong gawin pero noong kapain niya ang kanyang bulsa, naramdaman niya na wala 'tong laman. Doon niya lang naalala na itinapon niya na nga pala sigarilyo at lighter niya kaya kumuha nalang siya ng isang baso ng mainit na tubig at umupo sa sofa sa living room para manuod muna ng TV.

Matapos niyang magpalipat-lipat ng ilang channel, napagdesisyunan niyang patayin nalang ang TV. Inihagis niya ang remote control sa coffee table at bigla niyang napansin ang iPad. Pagkakuha niya nito, nakita niya na nanunuod pala kanina si Qiao Anhao ng pelikulang 'Nian Nian's Notebook'.

Nag'exit siya sa pelikula at nakita niya na may isa pang QQ chat software sa kanyang iPad na siguradong si Qiao Anhao ang nagdownload. Sinubukan niya itong pindutin at napagalaman niyang hindi pala ito nakapag' logged out. Pagkabukas niya ng main page, binasa ang lahat ng makita niya rito.

Karamihan sa mga entry ni Qiao Anhao ay pumapatungkol lang sa nararamdaman at gusto nitong gawin para sa buong araw, kung kailan ito nagsulat, gaya ng, "Bigla akong nag'crave sa Häagen-Dazs", "Gusto ko talagang manuod ng concert", "Having a meal with sis tonight". Halata namang walang ibang ibig sabihin ang mga sinasabi nito at minsan pa nga ay may kasama pang photo sa mga entry.

Inisa-isa ni Lu Jinnian ang lahat ng entry ni Qiao Anhao sa nakalipas na limang taon. Umabot ang mga ito ng halos one thousand two hundred entries. Hindi bababa sa four hundred sa mga entry na ito ang selfies ni Qiao Anhao na may halos dalawampung iba't-ibang hairstyles, thirty-eight ang mga shinare nitong kanta, twenty-four naman ang tungkol sa mga naging overseas trip nito-kung saan pitong beses na lumabas ang Hangzhou- at mayroon din itong tatlong nobela, na ang isa pa nga ay gagawing drama.

Limang taon siyang walang balita kay Qiao Anhao kaya matagal niya ng gustong malaman kung ano ang mga naging kaganapan nito sa buhay noong mga panahong 'yun at ngayong gabi, nabigyan siya ng pagkakataong masilip ang mga nangyari sa buhay nito sa nakalipas na limang taon.

Ibinaba ni Lu Jinnian ang kanyang iPad at sinilip ang oras. Alas dose na ng madaling araw kaya naisipan niyang matulog na pero habang naglalakad papunta sa kwarto, naramdaman niya na biglang nagvibrate ang kanyang phone. Kinuha niya ito at naalala niya na isang buwan na pala ang nakakalipas mula noong nakunan si Qiao Anhao at kinakailangan na nitong bumalik sa ospital para makapag pacheckup.

Walang kaalam alam si Qiao Anhao na namatayan ito ng anak, kaya paano naman niya makukumbinsi itong pumunta sa ospital?

Pero hindi rin nito pwedeng ipagpaliban ang pagpapa'check up…Paano nalang kung nagkaroon pala ng mga kumplikasyon?

Matagal na nakatitig si Lu Jinnian sa screen ng kanyang phone at ang kanyang mga mata ay nagnining habang nagiisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin. Maya-maya pa'y iniangat niya na ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang assistant.

-

Pagkarating ni Qiao Anhao sa kanyang kwarto, naligo muna siya bago matulog. Kinabukasan, maaga siyang nagising para mag-ayos at nang sandaling matapos na siya ay doon palang nagising si Zhao Meng para maligo.

Habang naghihintay kay Zhao Meng, naalala ni Qiao Anhao na may ipinadala nga pala sakanya si Qiao Anxia. Naglakad lakad muna siya sa kwarto para hanapin ito at nang makarating na siya sa study table, nakita niyang may nakapatong na kahon dito. Masaya siyang naglakad para malaman kung ano ang nasa loob ito kung saan nakita niya ang isang regalong may channel packaging. Binuksan niya ito at bumungad sakanya ang latest earing design ng brand na may kasama pang card na may sulat kamay ni Qiao Anxia. "Happy Birthday, Qiao Qiao. Anxia."

Sobrang sayang ngiti ang bumalot sakanyang mukha habang kinukuha ang card at ang pares ng hikaw. Habang tinutupi niya ang wrapper at packaging, napansin niya na may sulat sa ilalim ng box. Walang nakauslat kung kanino ito nanggaling at tanging impormasyon niya lang ang makikita rito. Medyo nagbago ang kanyang itsura habang binubuksan ang envelope. Kinuha niya ang papel na nasa loob nito para basahin kung ano ang nakasulat at bigla nalang siyang namutla.

Related Books

Popular novel hashtag