"Isang magandang notebook noong second year high school."
"Isang porcelain cup naman noong third year high school"
"Binigyan mo naman ako ng isang photo frame noong first year natin sa university."
"Noong ika second at third year naman natin sa university, binigyan mo ako ng necklace at anklet…At ang pinaka huli ay ang porcelain doll na binigay mo sa akin ngayong gabi!"
Nabanggit ni Qiao Anhao ang lahat ng regalong naibigay ni Lu Jinnian sakanya at parehong-pareho rin ang mga ito base sa naalala ni Lu Jinnian. Pero biglang kumunot ang kanyang mga kilay nang banggitin ni Qiao Anhao ang huling regalo. Bukod sa regalo niya ngayon, ang pangpitong regalo ay…hindi ba yun yung rosas at cake na ibinigay niya noong nasa fourth year na ito sa university? Yun ang pinaka mahal na naibigay niyang regalo noon. Bakit hindi nito binanggit ang mga yun?
Kinutuban si Lu Jinnian na parang may mali kaya mahinahon siyang nagtanong, "Noong nasa fourth year ka sa university, binigyan din kita ng regalo diba. Hindi mo na maalala?"
"Fourth year?" Nagtatakang sagot ni Qiao Anhao. "Mali ata ang naalala mo? Diba yung birthday ko noong fourth year tayo sa university, sakto din na nasa film festival ka sa Changsha noon. Hindi ka umattend ng birthday party ko kaya pano mo naman ako mabibigyan ng regalo?"
Kahit na hindi nakikita ni Lu Jinnian ang expression ng mukha ni Qiao Anhao, ramdam niya na mukhang wala nga itong maalala base sa pagkakakwento nito kaya muli siyang nagtanong ng may halong pagdududa, "Hindi ba ako nagbigay?"
Sobrang iniingatan ni Qiao Anhao ang mga regalong nanggagaling kay Lu Jinnian kaya hindi niya pwedeng makalimutan ang bawat detalye ng mga ito. Pero para hindi siya magkamali, pinagisipan niya munang mabuti kung nakapagbigay nga ba ito at noong masigurado niya ay muli niyang sinabi kay Lu Jinnian, "Hindi mo ako binigyan. Hindi mo nga ako binati kahit 'Happy Birthday' lang noong taong iyon eh!"
Hindi na nakapagsalita si Lu Jinnian. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay naiinitindihan niya na. Noong taong iyon, tumanggap siya ng award pero pinilit niya pa ring makarating sa Beijing. Kung nakita niya ang mga ibinigay niya sa basurahan, malamang hindi talaga natanggap ni Qiao Anhao ang mga ito, at ibig sabihin lang 'nun ay may sumabotahe sakanila.
Sino naman kaya ang taong yun?
Biglang pumasok ang pangalan ni Han Ruchu sa isip ni Lu Jinnian.
Siya nga, siguradong siya nga!
Sobrang bilis ng mga pangyayari noong gabing iyon at sobrang nasaktan siya ng mga ito kaya hindi niya na sinubukang pang pagdugtong-dugtungin ang mga nangyari pero habang iniisip niya ang mga ito ngayon, narealize niya na….paano nga naman malalaman ni Han Ruchu na may gusto siya kay Qiao Anhao. Siguradong nakita nito ang mga regalong inihanda niya.
Matagal ng galit sakanya si Han Ruchu at malamang kaya nito ginawa iyon ay dahil napagalaman nitong nagugustuhan niya ang fiancé ng kanyang anak
So, ang babaeng iyon ay hindi lang pinatay ang kanyang anak kundi ito rin ang dahilan kaya pinagisipan niya ng masama si Qiao Anhao ng mahabang panahon.
Parehong galit at saya ang naramdaman niya dahil sa kanyang mga napagalaman.
Masaya siya kasi ang babaeng mahal niya, kahit na alam niyang hindi siya mahal nito, ay hindi pala nalaman ang tunay niyang nararamdaman.
Nagagalit siya dahil may isang taong pinaikot siya sa palad nito pero ang kinagalitan at sinisi niya ay walang iba kundi ang inosenteng si Qiao Anhao.
Matagal na nakatingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian bago siya muling magtanong, "Binigyan mo ba talaga ako ng birthday gift noong nasa fourth year ako sa university?"
Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at kalmadong sumagot, "Sa tingin ko mali ata ang naalala ko."
Matapos marinig ang sagot ni Lu Jinnian, napatag na ang kalooban ni Qiao Anhao at niyakap ang leeg nito. Hindi niya na napigilang itanong ang isang bagay na bumagabag sa kanyang isip habang binabanggit niya ang mga regalong ibinigay nito sakanya. "Mahilig ka talaga sa Shmily merchandise?
"Hm?" Mahinahong sagot ni Lu Jinnian. "Bakit?"