Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 359 - Mahal kita, Mahal kita (15)

Chapter 359 - Mahal kita, Mahal kita (15)

Si Qiao Anhao ang pinakamamahal niya ngunit hindi niya maaring ibigin, at ito lang ang natataninging paraan para masabi niya ang kanyang tunay na nararamdaman.

May posibilidad na hindi makita ni Qiao Anhao ang nakatagong sikreto sa loob ng porcelain doll, o kung makita man nito siguro matagal pa kung kailan wala na talaga na silang koneksyon sa isa't-sa.

Hindi presyo ang basehan ng mga regalo at para kay Qiao Anhao, kahit na may magbigay sakanya ng pinakamahal na regalo sa buong mundo, wala paring laban yun sa porcelain doll na ibinigay ni Lu Jinnian.

Habang tinitignan ni Qiao Anhao ang doll, mas lalo pa itong gumaganda sa kanyang paningin at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maya't-mayang tignan ito. Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya kaya kinuha niya na ang kanyang phone at inabot kay Lu Jinnian. "Kunan mo ko ng litrato."

Medyo nagulat si Lu Jinnian noong narinig niya ang sinabi ni Qiao Anhao. Walang emosyon niyang kinuha ang phone para hindi mahalata na may iniisip siya.

Niyakap ni Qiao Anhao ang doll at nag'pout. Ang kanyang pinagsama-samang makikinang na mga mata, mapupulang labi, at maputing balat, tunay talagang napaganda niya.

Nakatingin lang si Lu Jinnian sa phone screen ng ilang segundo bago niya kunan ng litrato si Qiao Anhao.

Kinuha ni Qiao Anhao ang phone niya at tinignan ang kanyang photo. Dahil kuntento na siya sa kinuhang litrato ni Lu Jinnian, masaya niya itong inedit sa isang beautifying app para paputiin ang balat niya. Binuksan niya ang kanyang weibo app at pinost ang photo na may caption na: "Birthday present na kasing cute ko, wishing myself a happy birthday…" at isang smiley emoticon bilang pagtatapos sa kanyang caption.

Nakaupo lang si Lu Jinnian habang pinagmamasdan ang mga kilos ni Qiao Anhao bago niya kalmadong sabihin, "Uwi na tayo sa Mian Xiu Garden."

"Sure," walang pagdadalawang isip na sagot ni Qiao Anhao. Nagvibrate ang phone na nasa kanyang kamay, tinignan niya ito at nakita niya ang reply ni Song Xiangsi sa kanyang post. "Xiao Qiao happy birthday, ang ganda mo!"

May ilang fans na nagfafollow sakanya sa weibo at ilang mga sikat na artista na kasama niya sa filming crew ang nagre-post ng kanyang photo kaya wala pang isang minuto ay binaha na siya ng napakaraming comments at pagbati. Hindi nagtagal, naging most popular post na ang kanyang photo sa weibo.

Tuloy-tuloy ang notifications ng phone ni Qiao Anhao at dahil sobrang dami na ng mga nagrerespond sa photo niya, hindi niya na kinayang tignan ito isa-isa pero sa tuwing nagaalert ito ay sumisilip pa rin siya.

Noong nasa kalsada na sila, biglang naging red ang traffic light kaya inapakan ni Lu Jinnian ang brake para huminto ang sasakyan. Kinuha niya ang kanyang phone para silipin ito, nagtype lang siya ng mabilis at dali-dali rin itong ibinaba dahil nag green nanaman ang traffic lights.

Noong sandali ding iyon, muli nanamang nagring ang phone ni Qiao Anhao. Medyo naiinis na siya at gusto niya na sanang idismiss ang notification pero bigla niyang nakita na nirepost ni Lu Jinnian ang kanyang photo na may simpleng 'Happy Birthday' bilang caption.

Bigla siyang kinilig at tumingin sa rear view mirror kung saan nakita niyang tutok na tutok si Lu Jinnian sa kalsada. Kinagat niya ang kanyang labi bago magreply sa post nito, "Thank you".

Pagkatapos niya itong gawin, napansin niya na masyado pala siyang pahalata kaya nireplyan niya nalang din sina Song Xiangsi, Cheng Yang, ang direktor at mga iba pa.

Pagkahinto nila sa isa pang red light, muling kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang phone. Sa kabila ng napakaraming dumagsang notifications, nakita niya pa rin ang reply ni Qiao Anhao at muli siyang sumagot, "You're welcome."

Saktong kakarefresh lang ni Qiao Anhao ng kanyang page noong oras na iyon at nang sandaling makita niya ang reply ni Lu Jinnian, hindi niya na napigilan pa ang sarili niyang mapangiti.

Related Books

Popular novel hashtag