"Paano mo nagagawang magsigarilyo sa dami ng sugat mo? pasermon na sabi ni Qiao Anhao habang tinatapon ang sigarilyo sa ash tray. Hindi pa siya nakuntento, inagaw niya rin ang isang kaha ng sigarilyo at lighter na nasa kabilang kamay nito at walang alinlangan niya itinapon ng diretso sa basurahan.
Masyadong mabilis at swabe ang naging pagkilos ni Qiao Anhao kaya wala ng nagawa si Lu Jinnian kundi tignan siya ng wala manlang bakas ng kahit anong galit o paninisi.
Nang matagumpay niyang mapigilan ito sa paninigarilyo, hinila niya naman ito papunta sa sofa.
Napatingin nalang si Lu Jinnian sa maliliit na kamay na humila sakanya at unti-unting naging kalmado ang kanyang mga mata. Hindi siya nagpumiglas at sumunod lang siya kay Qiao Anhao na parang isang masunuring tupa.
Itinuro ni Qiao Anhao ang sofa at pautos na sinabi kay Lu Jinnian, "Upo."
Kumuha siya ng isang antiseptic towel at naglinis ng kanyang mga kamay.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay hindi gumagalaw at nanatili lang na nakaupo ng tahimik sa sofa.
Lumuhod si Qiao Anhao sa tapat ng coffee table at isa-isang inilabas ang mga gamot na ibinigay sakanya ng doktor. Kumuha rin siya ng isang pakete ng bulak na agad niyang binuksan bago tignan si Lu Jinnian para muli itong utusan, "Tanggalin mo ang pang itaas mo."
Pinatakan niya ng konting antiseptic ang bulak at dahan-dahang ipinahid sa mga sugat ni Lu Jinnian para malinisan. Sa tuwing ipinapahid niya ito, parang nararamdaman niya rin ang sakit samantalang si Lu Jinnian na kasalukuyang nakatalikod sakanya ay hindi maalis ang ngiti mukha.
Maliliit lang naman ang mga bubog kaya kahit marami itong sugat, hindi naman ganun kadiin ang pagkakabaon ng mga ito at isa pa, tumigil na rin ito sa pagdurugo. Isa-isa niyang nilinasan ang bawat sugat bago lagyan ng gamot.
Habang nararamdaman ni Lu Jinnian ang maingat na pagdampi ng kamay ni Qiao Anhao sa kanyang mga sugat, unti-unting humupa ang galit na niya sa kanyang puso at tanging sakit at pagmamahal nalang ang naiwan.
Matapos ihatid ni Madam Chen ang doktor, muli siyang umakyat para tignan ang dalawa. Pagkarating niya sa may pintuan ng kwarto, nasilip niya kaagad si Lu Jinnian na nakaupo sa sofa habang si Qiao Anhao naman ginagamot ang mga sugat nito.
Kahit na hindi naguusap ang mga ito, kita niya naman na mapayapa ang lahat kaya wala na siyang dapat alalahanin.
Hindi niya na inistorbo ang mga ito at tahimik nalang siyang bumaba.
Nang matapos ng gamutin ni Qiao Anhao ang mga sugat, kumuha naman siya ng isang baso ng tubig at iniabot kay Lu Jinnian. Naglabas siya ng apat na pills at kalmadong sinabi, "Uminom ka muna ng anti-inflammatory pills para hindi maimpeksyon ang mga sugat mo. Hindi ka rin pwedeng maligo muna sa ngayon. Bukas siguro maguumpisa na maglalangib na ang mga yan kaya mas gaganda na ang pakiramdam mo."
Kahit na wala masyadong ipinapakitang emosyon si Lu Jinnian, sobra ang saya at kilig na naramdaman niya kaya hindi na siya nanalban o naglinlangan na kunin ang mga pills para inumin.
Nakatingin lang si Qiao Anhao kay Lu Jinnian habang umiinom ng tubig at hindi nagtagal, bigla nalang siyang naiinis na nagtanong, "Ano ba talagang nangyari na nagpagalit sayo ng sobra?"
Parang may biglang bumara sa lalamunan ni Lu Jinnian kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. Dalawang beses siyang lumunok ng laway para subukang itulak ang kung ano mang nakaharang. "Company matters."