Hindi na narinig ni Lu Jinnian ang assistant at pauulit ulit lang ang kanyang sinasabi na halatang punong-punong ng pagluluksa, "Pinatay ang anak ko…"
Sa pagkakataong ito, narinig na ng assistant ang sinasabi ni Lu Jinnian pero hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong ipahiwatig kaya tinanong niya ito, "Mr. Lu, ang ibig mo bang sabihin ay ang swallow's nest na inuwi ni Miss Qiao na galing sa Xu family ang naging dahilan kung bakit siya nakunan?"
"Nakunan", biglang nagising sa katotohanan si Lu Jinnian nang sandaling marinig niya ang salitang ito. Kung kanina ay nagawa niya pang maging kalmado, pwes sa mga oras na ito, hindi niya na talaga kayang pigilan ang galit na nararamdaman kaya walang anu-ano niyang ibinaba ang tawag at ibinato ang kanyang phone sa pader.
Tumama ang phone sa painting na nakasabit sa pader kaya nagkabasag-basag ito.
Sobrang nandidilim ang kanyang paningin at tinignan niya lang ng walang kaemo-emosyon ang nabasag na painting. Tunay ngang nagaapoy sa galit ang kanyang dibdib.
Gusto niyang sugurin ang Xu family at patayin ang bawat miyembro nito para tuluyan ng masira ang pamilyang ito.
Matagal niya ng alam na ayaw sakanya ng mga Xu dahil sa mga pagkakamaling nagawa ng kanyang ina, pero bakit kailangan nilang idamay pati ang anak niya?
Mula pagkabata niya, sinisisi niya na ang kanyang ama at galit na rin talaga siya sa mga Xu, pero hindi ito kasing tindi ng galit na nararamdaman niya ngayon.
Habang mas iniisip niya ang Xu, lalo lang tumitindi ang galit na nararamdaman niya. Ang kanyang pagkamuhi ay parang isang matalim na balaraw na sinasaksak ang kanyang puso at pakiramdam niya ay mamatay na siya sa sobrang sakit. Bandang huli, tuluyan na siyang nawalan ng kontrol at sinipa ng malakas ang coffee table. Nagkalat ang mga bubog sa kapaligiran ngunit hindi pa siya nakuntento dahil binasag at ibinato niya pa ang lahat ng matamaan ng kanyang mga mata para mailabas ng tuluyan ang lahat ng galit na nararamdaman niya.
Ang standing lamp, ang computer, ang mga dokumento, ang table lamp…Lahat ng pwede niyang makita ay nabasag, kahit ang study table, ang cupboard, at maging ang mga libro ay nagkalat din sa sahig.
Hindi tumigil si Lu Jinnian sa paninira hanggangang sa wala ng natirang nakatayong bagay sa kwarto. Pagkahinto niya, sobrang nanginginig at namumula ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mga nakapalibot na wall paper hanggang sa bigla niya nalang naramdaman na parang naubos na ang lahat ng kanyang lakas kaya hindi niya napigilan ang kanyang katawan at tuluyan na itong bumagsak sa sahig.
Napakaraming bubog sa kanyang pinagbagsakan kaya nagkasugat sugat ang kanyang balat at nagkalat ang mga dugo sa sahig ngunit wala siyang nararamdamang kahit ano at nanatili lang siya sa kanyang pagkakahiga.