Malamang isa sa mga Qiao ang naglinis. Punong-puno ang basurahan ng lahat ng klase ng mga kahon ng regalo, mga walang laman na bote at mga balat ng prutas pero sa gilid nito ay may napansin siya – isang bouquet ng bulaklak at isang hindi pa bukas na cake na may Black Swan na packaging. Kung itsura ang pagbabasehan, mukha talagang itinapon na mga ito.
Kahit packaging palang ang tignan, halatang sira na talaga ang cake na nasa loob nito at ang petals ng magagandang bulaklak, na kapapadala niya lang noong umaga, ay nagkalat din sa sahig. May iba pang petals na inapakan at ang bronze card na kasama ng mga bulaklak ay pinunit din sa dalawa na itinapon sa ibabaw ng sira-sirang bulaklak.
Noong sandaling iyon, hindi maintindihan ni Lu Jinnian ang kanyang nararamdaman. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan at hindi siya makagalaw. Ganun lang kabilis at gaya ng usok ng kanyang sigarilyo ay bigla nalang naglaho ang noo'y napaka saya niyang pakiramdam. Hindi, parang may biglang sumampal ng napaka lakas sa kanyang mukha.
Matagal siyang nakatayo bago siya unti unting naglakad papalapit sa basurahan para pulutin ang bouquet ng bulaklak.
Tama, wala naman talagang halaga kay Qiao Anhao ang bouquet ng bulaklak, at maging para sakanya rin naman ngayon. Pero noon, kinailangan niyang ipinunin ang kanyang mga kinita sa mga episodes na finifilm niya para lang makabili ng bouquet.
Ang dating ambon ay unti-unting naging ulan. Gusto niya sanang ayusin ang mga bulaklak na para bang ito lang ang paraan para kumalma ang nadurog niyang puso. Pero wala na itong kwenta dahil ang mga magagandang bulaklak na binili niya ay masyado ng sira-sira. Paghawak niya nito ay biglang naglaglagan ang mga petals sa sahig at bandang huli, tanging kumpol nalang ng mga tangkay ang natira sa kanyang kamay.
Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pinupulot ang mga napunit na piraso ng card na kasama ng mga bulaklak. Pinagdugtong-dugtong niya ang mga ito kanyang binasa ang mga salitang isinulat niya ay, "Sayo lang ako masaya," habang unti-unti itong nabubura dahil sa ulan.
Kahit siya mismo ay hindi niya na rin alam kung gaano na siya na katagal nakatulala sa kanyang pwesto nang may bigla siyang narinig na humintong sasakyan sa kanyang harapan. Ang mga sumunod niyang narinig ay ang pagbukas ng pintuan at mga yabag ng mga paa na huminto sa tabi niya. "Pasensya ka na kung naabala kita."
Pinilit kalmahin ni Lu Jinnian ang kanyang sarili at agad na tumayo ngunit hawak niya pa rin ang kumpol ng mga tangkay. Noong tumalikod siya, nakita niya ang katulong mga Xu.
Walang balak ang katulong na hintayin siyang sumagot kaya itinuro na nito ang sasakyang nasa harap nila. "Sumama ka sakin. Gusto kang makita ni Madam."
Alam niya na ang tinatawag nitong 'Madam' ay walang iba kundi si Han Ruchu.
Matagal ng galit sakanya si Han Ruchu kay bakit naman kaya siya gustong makita nito; nanatili siya sa kanyang kinatatayuan at hindi gumalaw.
Hindi naman siya minamadali ng katulong at nagpatuloy ito sa pagsasalita, "May gusto raw sabihin ang Madam sayo patungkol kay Miss Anhao."
"Miss Anhao", ang dalawang salitang ito ay kanyang kahinaan na para bang hawak nito ang buong buhay niya. Yumuko siya at walang alinlangang pumasok sa sasakyan.
Ipinagmaneho siya ng katulong hanggang sa private clubhouse at inihatid siya nito sa monitoring room.
Si Han Ruchu, na nakasuot ng mamahaling damit, ay nagiisa lang sa loob ng kwarto. Nakaharap ito sa isang screen na nagpapakita ang pinalakihang litrato ng party room. Sa unang tingin niya palang ay nakilala niya ang mga taong nandoon: sina Xu Jiamu, Qiao Anhao, Zhao Meng, at iba pang mga kaibigang kakilala niya.
Hinintay muna siyang makapasok ng katulong bago nito isara ang pintuan.
Dalawa lang sila loob ng monitoring room, siya at si Han Ruchu. Hindi niya ito binati, pero wala rin nama itong pakielam. Elegante ngunit halatang arogante ang ngiti ni Han Ruchu. Hindi na ito nagabalang tignan siya at dire-direstong sinabi, "Gusto mi si Qiao Qiao."
Kung tono lang ng boses ang pagbabasehan, mukhang siguradong sigurado talaga si Han Ruchu sa mga sinasabi nito at isa pa ay wala rin itong bakas ng kahit anong pagaalinlangan.