Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 282 - Did I Disappoint You? (2)

Chapter 282 - Did I Disappoint You? (2)

Kumaway si Han Ruchu kay Qiao Anhao bilang sensyas na maupo ito at inutusan niya rin ang housekeeper na maghanda ng tsaa. Wala siyang intensyong tawagin si Lu Jinnian para paupuin ito kaya agad niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Qiao Anhao na masaya niyang nginitian at nagaalala siyang nagtanong, "Qiao Qiao, kamusta ka naman nitong mga nakaraang araw? Nakakapagod bang magfilm?"

"Hindi naman po." Ngumiti si Qiao Anhao sa kanya at magalang na nagpasalamat.

"That's good. Kung napapagod ka, itigil mo na ang pagfifilm. Sabihin mo lang kung ayaw mo ng magtrabaho sa mga Qiao at pwede kong iarrange na sa Xu family ka nalang…" Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Han Ruchu, biglang dumating ang housekeeper na may dalang tray na mayroong tatlong tasa ng maiinit na tsaa.

Si Han Ruchu ang unang binigyan ng housekeeper ng mainit na tsaa at ang sunod na tasa naman ay iniabot nito kay Qiao Anhao samantalang naiwan naman sa lamesa ang pangatlong tasa na hindi man lang inalok kay Lu Jinnian na parang ang tasang ito ay pampalubag loob lamang.

Mahinhin na nagpasalamat si Qiao Anhao sa housekeeper bago siya sumagot sa sinabi sakanya ni Han Ruchu. "Masaya naman po ako sa pagfifilm kaya wag na po kayong magalala para sakin."

"Dahil gusto mo yan, ipagpatuloy mo yan kung masaya ka," nakangiting sabi ni Han Ruchu bago kunin ang tasang nasa harap niya.

Magalang na ngumiti si Qiao Anhao kay Han Ruchu. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita niya si Lu Jinnian na nakatayo lang sa tapat ng isang floor-to-ceiling na bintana. Walang anumang reaksyon ang mukha nito habang nakadungaw sa bintana. Wala siyang ideya kung anonh iniisip nito.

Biglang kumunot ang mga kilay ni Qiao at naalala niya na simula noong pumasok sila sa mansyon hanggang ngayon, tanging siya lang ang pinagtutuunan ni Han Ruchu ng pansin. Halatang wala itong pakielam kay Lu Jinnian at kahit ang mga katulong ng bahay na iyon ay hindi manlang din nagabalang paupuin ito.

Wala pang ibang tao sa bahay kaya alam ng lahat ng nandoon na si Lu Jinnian ay magpapanggap bilang si Xu Jiamu. Dahil ayaw makisali ni Qiao Anhao sa mga ginagawa ng mga ito kaya direkta niyang tinawag ang pangalan nito, "Lu Jinnian?"

Narinig ni Lu Jinnian, na nakadungaw sa bintana, ang boses ni Qiao Anhao pero lumingon lang siya ng bahagya at saktong napatingin siya sa mga mata ni Qiao Anhao. Hindi siya nagsalita at naguguluhan siyang tinignan ito. 

Kumaway si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi nito. Mahinahon niyang sinabi, "Bakit ka nakatayo jan? Tara Upo?"

Nagulat si Han Ruchu na may hawak na tasa nang sandaling marinig niya ang sinabi ni Qiao Anhao. Bakas sa mga mata niya ang pandidiri at galit.

Pero agad siyang ngumiti at kalmadong humigop ng tsaa.

Sa kabila ng mga ipinakita ni Han Ruchu, malinaw na nagsalubong ang mga mata nila ni Lu Jinnian.

Noong bata palang si Lu Jinnian, parehong pareho ang itsurang ipinakita ni Han Ruchu noong unang beses niyang makita ito – galit at pandidiri.

After all these years, hindi ito nagbago.

Walang nagbago sa itusra ni Lu Jinnian na para bang sanay na siya rito, agad niyang iniwas ang kanyang tingin kay Han Ruchu at ibinaling ito sa itim na itim na mga mata ni Qiao Anhao. Ikinurap niya ang kanyang mga mata at mahinang sinabi, "Hindi na kailangan."

Hindi niya na hinintay pang magsalita ulit si Qiao Anhao at muling humarap sa bintana.

Nakangisi si Han Ruchu matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Lu Jinnian. Nagpatuloy siya sa paginom ng kanyang tsaa bago muling tumingin ng nakangiti kay Qiao Anhao upang ipagpatuloy ang pakikipagkwentuhan dito.

Dahil sa respeto at mabuting asal, patuloy na nakipagusap si Qiao Anhao kay Han Ruchu pero hindi niya maiwasan na maya't-mayang tignan si Lu Jinnian sa gilid ng kanyang mga mata.

Sobrang tahimik ni Lu Jinnian at sa sobrang tahimik niya'y pwede ng akalaing walang taong nakatayo sa tapat ng floor-to-ceiling na bintana kung hindi lang din niya maya't-mayang sinisilip si Qiao Anhao.

Related Books

Popular novel hashtag