Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 254 - Do You Know Who He Likes? (14)

Chapter 254 - Do You Know Who He Likes? (14)

Hindi nagtagal, ay nakatulog na ng mahimbing si Qiao Anhao habang si Lu Jinnian naman na nasa tabi niya ay gising na gising pa rin at nakatingin lang sa kisame, hindi mapalagay. Hindi nagtagal ay tinanggal niya ang kumot at bumangon siya ng kama. Bago siya lumabas ng kwarto, kumuha muna siya ng isang kaha ng sigarilyo. Nagsindi siya ang isang stick at hinithit ito habang nakatayo sa harap ng bintana sa second floo...

Matapos kalmahin ng hangin na nanggagaling sa bintana ang kanyang naguguluhan niyang sarili, bumalik siya ng kwarto at dahan-dahang humiga sa tabi ni Qiao Anhao, sinisigurong hindi niya ito maiistorbo. Pag'ikot niya, nakita niya na kalahati lang ng katawan ni Qiao Anhao ang nakukumutan. Nasisinagan ng ilaw ang malambot na balat ni Qiao Anhao kaya lalo itong nagmukhang maputi at makinis. Muli nanamang bumalik mga gumugulo sa kanyang isipan na pinipilit niyang kalmahin.

Huminga ng malalim si Lu Jinnian bago niya abutin ang kumot. Habang kinukumutan niya si Qiao Anhao, aksidente niyang natabig ang balat nito. Nagulat siya at nagmamadali niyang tinapos ang pagkukumot dito at agad ding tumalikod.

Nararamdaman ni Lu Jinnian sa ilalim ng kumot ang mainit na katawan ni Qiao Anhao na papalapit sa kanya. Habang papalit ito ng papalapit, mas lalong mas lalong gumugulo ang isip niya. Babangon na siya ng kama sa pangalawang pagkakataon, nang may bigla siyang may naramdaman sa kanyang likuran. Ilang sandali lang ay naramdaman niya na nakasandal na sakanya ang ulo ni Qiao Anhao.

Hindi mapakali si Lu Jinnian at bago pa man din siya makalagaw ay tuluyan ng yumakap na si Qiao Anhao sa bewang niya.

Biglang naramdaman ni Lu Jinnian na parang huminto ang kanyang paghinga. . Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim habang sinusubukang kalmahin ang kanyang sarili. Hinawakan niya ang maliliit na kamay na nasa bewang niya at noong tatanggalin na sana niya ito ay muli nanamang gumalaw ang ulo ni Qiao Anhao na naglanding na ito sa braso niya. Ang ilong ni Qiao Anhao ay nasa may bandang dibdib niya kaya nararamdaman niya ang paghinga nito, bigla siyang nang'init.

Hindi na siya nagdalawang isip pa at itinulak si Qiao Anhao. Dahil napalakas ito, biglang nagising itong nagising at nanlaki ang mga mata nito, na may bakas ng kaba, dahil sa gulat. Sa kanyang kaikit-akit at gulat na gulat nitong itsura ay bigla itong nagtanong, "Lu Jinnian, anong nangyari?"

Naiinis ang boses ni Qiao Anhao na para bang sinisisi niya si Lu Jinnian. Medyo tumaas din ang boses nito noong tinawag siya nito kaya hindi na siya nakapagpigil pa. Pinipigilan ni Lu Jinnian ang kanyang kamao niya bago siya tuluyang bumigay sa kanyanng kahinaan, tumingin siya kay Qiao Anhao at hinalikan ito.

Sa sobrang gulat, hindi na nakapiglas pa si Qiao Anhao, umuungol ito ng mahina habang lalo pang dinidiinan ni Lu Jinnian ang kanyang halik. Itinaas nito ang maninipis niyang kamay na yumakap sa leeg niya. Dahil sa ginawang ito ni Qiao Anhao ay mas lalo lang siyang naging wild….

Ito siguro ang unang pagkakataon na may nangyari sakanila ng may chemistry.

Hindi maipaliwanag ni Lu Jinnian kung anong nasa isip niya. Pagkakuntento ba? O, kaligayahan?

Noong natapos na sila, pakiramdam ni Lu Jinnian na para siyang nakalutang sa mga ulap. Niyakap niya si Qiao Anhao at inamoy niya ito habang sinusulit ang mga nangyari.

Noong kumalma na sya, dahan-dahan niyang iniwan si Qiao Anhao. Mahimbing na ang tulog nito noong mga oras na yun, namumula ang mga pisngi nito dahil sa sobrang passionate ng nangyari sa kanila.

Hinimas ni Lu Jinnian ang ulo ni Qiao Anhao bago siya kumuha ng wet tissue para linisin silang dalawa. At noong na siguro na nkiyang malinis na si Qiao Anhao, bumalik siya sa tulog habang nakahiga ito sa kanyang braso.