Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 240 - She's The Only One You Can't Touch! (10)

Chapter 240 - She's The Only One You Can't Touch! (10)

Tahimik ang hospital room. Napahawak ng mahigpit si Qiao Anxia sa upuan at tumingin kay Lu Jinnian na hawak-hawak pa rin si Qiao Anhao habang nakatitig lang rito na para bang walang ibang tao sa kwarto.

Noong mga oras na yun, walang pakielam si Lu Jinnian sa paligid niya— tanging si Qiao Anhao lang ang nakikita niya.

Habang lumalalim na ang gabi, mejo nanghihina na ang katawan ni Qiao Anxia kaya tumayo muna siya para kumuha ng dalawang basong tubig. Naglakad siya papunta kay Lu Jinnian at nilagay ang isang baso sa harap nito.

Nakatitig pa rin ito kay Qiao Anhao at hindi manlang nito tinignan si Qiao Anxia. Napahawak si Qiao Anxia ng mahigpit sa baso at ang pakiramdam niya noong mga oras na yun ay hindi siya kailangan at sagabal lang sa ward.

Umupo si Qiao Anxia sa harap ni Lu Jinnian bago siya tuluyang umalis ng ward ng may hawak na baso. Tumayo siya sa tapat ng bintana sa corridor habang nakatingin sa kalangitan at naramdamn nang maramdaman niyang medyo nanlalabo na ang kanyang paningin.

Habang mabagal na gumagalaw ang oras, patuloy na lumalalim ang gabi.

Dahil sa traffic, 1 am na noong nakabalik ang assistant ni Lu Jinnian na may dalang malins na damit. Kumatok muna ito sa pintuan bago pumasok. Pagkalagay niya ng mga damit sa sofa, tahimik din siyang umalis at pagkalabas niya ng kwarto ay nakita niya si Qiao Anxia na nakadungaw sa bintana at muling nagtanong, "Ms. Qiao, si Mr. Lu na ang bahala sa kanya, ayaw mo bang sumabay?"

Hindi agad sumagot si Qiao Anxia at medyo paos na nagsalita, "Dito nalang muna ako, kapag stable na ang kundisyon ni Qiao Qiao, aalis na ko."

Tumayo ang assistant ni Lu Jinnian sa tabi ni Qiao Anxia para samahan siya.

Paubos na ang IV drip ni Qiao Anhao matapos ang halos kalahating oras kaya pinindot ni Lu Jinnian ang emergency button para tawagin ang mga nurse na agad namang pumunta para icheck ang temperature at blood pressure ni Qiao Anxia. Nang maconfirm na nakarecover na ito, agad nilang kinausap si Lu Jinnian.

"Nakainom siya ng hallucigens, buti nalang hindi masyadong marami. Pero mas mabuti kung magstay pa siya ng isang gabi rito kung sakali mang lumala ang kundisyon."

Tumungo lang si Lu Junnian at pagkagkaalis ng mga nurse ay kinapa niya ang pulso ni Qiao Anhao at naramdamdaman niya na kumalma na nga ito. Noong umalis kasi sila sa hotel, sobrang bilis ng tibok ng puso ni Qiao Anhao. Hindi na ito unconscious at nakatulog na rin ng mahimbing.

Huminga ng malalim si Lu Jinnian at dahan dahan niyang inayos si Qiao Anhao sa kama. Tinanggal niya ang bed sheet at swimsuit na nakapulupot dito at saka niya kinumutan ng maayos.

Pumunta si Lu Jinnian sa banyo at agad din namang bumalik na may dalang basang towel. Umupo siya sa edge ng kama, tinanggal niya ang kumot nito at dahan-dahang pinunasan ang makinis na balat ni Qiao Anhao. 

Pinagsamantalahan siya ni Producer Sun…. Siguro ang pakirandam niya ay sobrang nabastos siya at nagagalit…Gustong siguraduhin ni Lu Jinnian na nalinis niya na si Qiao Anhao bago ito magising.

Nagvibrate ang phone ni Qiao Anxia kaya bigla siyang nagulat. Kinuha niya ang kanyang bag at kinapa ang kanyang phone. Pagka'unlock niya nito, narealize niya na maraming beses na palang tumawag si Cheng Yang sakanya. Bigla niyang naalala na umalis nga pala siya ng hotel ng hindi man lang nakakapagpaalam dito.

I'cacall back niya sana si Cheng Yang pero nauna na itong tumawag. Sinagot niya ito at nagaalalang nagtanong si Cheng Yang, "Xia Xia? Nasaan ka?"

Yumuko si Qiao Anxia at humingi ng tawad, "I'm sorry…. Nasa panganib si Qiao Qiao ngayon, hindi na ako nakapagpaalam sayo."

Related Books

Popular novel hashtag