Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 233 - She's The Only One You Can't Touch! (3)

Chapter 233 - She's The Only One You Can't Touch! (3)

Seryoso ang mukha ni Lu Jinnian habang papunta sa elevator.

Hindi nagtagal, dumating na rin ang cab na sinasakyan ni Qiao Anxia at hindi pa man din ito nakakahinto ay lumabas na agad si Qiao Anxia at tumakbo papasok ng hotel.

-

Pagkapasok niya, nakita niya si Lu Jinnian na nasa elevator na kaya naman ay tumakbo siya para tignan kung saang floor ito hihinto at saka pinindot ng makailang beses ang buttons ng elevator.

Nandoon na rin ang assistant ni Lu Jinnian, pagkatapos nitong tumakbo para habulin si Qiao Anxia, nang makarating ang elevator. Nagmadaling pumasok ang dalawa at hindi mapakaling naghintay na makaaykat ang elevator.

Kinakabahan si Qiao Anxia ng buksan niya ang pintuan ng elevator at agad na hinanap si Lu Jinnian. Nakita niya ito sa dulo ng hall way at kukumakatok sa isang pintuan. Tumakbo siya pero nawalan siya ng balanse kaya bigla siyang nadapa. Humawak si Qiao Anxia sa pader at habang sinusubukang tumayo, tinanggal niya ang kanyang heels ay itinapon sa gilid.

Halos thirty minutes na noong dinala ni Lin Shiyi si Qiao Anhao sa kwarto ni Producer Sun bago siya nakareceive ng message, [I like it.]

Halatang may masamang balak na ngumiti si Lin Shiyi at sumagot, [Enjoy your night]. Humiga siya sa kama at masayang nanuod.

Noong bandang 10 pm, nagpalit si Lin Shiyi ng kanyang sanitary pad. Tinignan niya ang sarili niya sa salamin at napansin niyang medyo namamaga ang dibdib niya dahil na rin sa kanyang period. Mas nagmukha pa siyang sexy kumpara sa mga normal niyang araw. Habang iniisip niya kung magpapabreast enlarge ba siya o hindi, bigla siyang narinig na may kumakatok sa kanyang pintuan.

Mas bumilis pa ang katok, na parang nagmamadali.

Nagtuloy-tuloy lang ito at mukhang walang balak na huminto.

Binitawan ni Lin Shiyi ang kanyang dibdib at naiinis na naglalakad papunta sa pintuan at nagtanong, "Sino yan?"

Walang sumagot.

Akala ni Lin Shiyi ay bumalik na ang kanyang manager kaya pumunta siya sa pintuan at dahan-dahan itong binuksan.

Pagkabukas niya ng pintuan ay nakita niya si Lu Jinnian

Mukhang itong nakakatakot at galit.

Kinabahan at biglang hindi mapakali si Lin Shiyi.

Nandito ba siya para kay Qiao Anhao? Pero hindi naman sila close…Ang tanging rason kung bakit siya naging strict sa swing incident ay dahil ayaw niya na may mga gumagawa ng sikretong plano sa set.

Kahit na kinakabahan si Lin Shiyi, pinilit niya pa ring ngumiti, tinilt ang kanyang ulo at nakakaakit na nagtanong, "Mr. Lu, can I help you?"

"Nasaan si Qiao Anhao?" pagalit nitong sinabi.

Tungkol nga ito sakanya… Nabalot si Lin Shiyi ng takot at konsensye pero patuloy siyang ngumiti. "Malamang nasa sarili niyang kwarto si Miss Qiao…"

"Stop your bullshit!" Hindi pa man din tapos magsalita si Lin Shiyi ay galit ng nagsalita si Qiao Anxia. Hindi na nito hinintay pang magsalita ulit si Lin Shiyi biglang ibinato ang kanyang heels dito. " Stop acting, we all know you took my sister away."

Related Books

Popular novel hashtag