Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 228 - Suspected Love (16)

Chapter 228 - Suspected Love (16)

Malinaw na may kausap si Producer Sun sa kanyang phone nang marinig ni Lin Shiyi ang kalahati ng kanilang paguusap. Ang kamay niya na kanina'y gustong buksan ang pintuan ng kwarto ay biglang natigilan.

So si Producer Sun ay interesado kay Qiao Anhao…

Pagkatapos niyang magtiis na makipaghalikan sa matandang lalaking ito sa loob ng mahabang panahon, wala rin pala siyang mapapala. Kapag ibinigay niya si Qiao Anhao rito, pwede niyang makuha ano man ang gustuhin niya.

Sa kalakarang ito, may mga tao talagang handang ibigay ang sarili nilang kaibigan sa kama ng ibang tao. At isa pa, si Qiao Anhao rin ang taong pinaka kinaiinisan ni Lin Shiyi kaya kung ibibigay niya ito para sa ilang kapalit, ano naman ang dahilan niya para hindi ito gawin?

Nakangiti at umirap si Lin Shiyi, bakas ang kanyang masamang plano. Hindi na siya tumuloy at tahimik na lumabas ng kwarto ni Producer Sun. Hindi niya pa alam kung paano niya madadala si Qiao Anhao sa kama ni Producer Sun at hindi niya pa rin alam kung anong hihilingin niyang kapalit.

Pagkatapos niyang matuto sa nangyari noong swing incident, ang naging plano ni Lin Shiyi ay gagawin niya ito kapag wala si Lu Jinnian.

Noong araw na iyon, Friday, dahil sa ulan napagdesisyunan na ireschedule ang filming kapag sumikat na ang araw kaya naman maagang makakapagoff ang mga crew.

Mukhang maganda ang mood ni Producer Sun kaya niyaya niya ang lahat na kumain ng dinner. Noong araw iyon, may period si Lin Shiyi kaya hindi maganda ang pakiramdam ng tiyan niya. Hindi sana siya pupunta pero nagbago ang isip niya at agad na bumangon kama nang malaman niya na may business si Lu Jinnian sa city. Agad siyang nagbihis at naghanda papunta sa dinner party.

Dahil libre ito ni Producer Sun, natural walang tatanggi. Bukod kay Lu Jinnian at Cheng Yang, na hinatid ang kanyang girlfriend noong gabing iyon, ang lahat ay pupunta.

Sa isang hot spring na hindi naman kalayuan sa villa gaganapin ang party. Pagkatapos ng dinner, ililibre rin ni Producer Sun ang lahat na maligo sa hot spring.

May period si Lin Shiyi noong gabing iyon kaya hindi siya pwedeng lumublob. Humiga nalang siya sa kama na nasa tabi ng hot spring at nakipagkwentuhan pero hindi nawala ang tingin niya kay Qiao Anhao.

Masyadong mataas ang temperature ng hot spring kaya hindi rin sila magbabad doon ng masyadong matagal dahil madali silang madedehydrate. Gumastos ng malaki si Lin Shiyi para utusan ang kanyang manager na bumili ng maraming inumin at iniutos niya naman sa mismong staff resort na bigyan ang lahat ng inumin.

Nasa red wine bath sina Qiao Anhao, Zhao Meng at Song Xiangsi. Habang naguusap, may dumating na staff para bigyan sila ng inumin. Ito na rin mismo ang nagbukas ng bote at isa-isang inabot sa kanilang mga kamay.

Hindi sinabi ng staff sa mga guests kung sino ang nanlibre at umalis rin agad pagkatapos silang mabigyan. Si Producer Sun lang naman ang nanlibre noong panahon na iyon kaya hindi na nila masyadong inisip kung kanino yun galing at nagpatuloy sa paguusap habang umiinom.

Siguro dahil masyadong mainit ang tubig o dahil masyadong matagal na silang nakalublob, maraming nakapasok na mainit na hangin sa mga katawan nila. Pakiramdam ni Qiao Anhao parang nagiinit siya sa loob at hindi na niya ito kinakaya dahil parang umaapoy na yung puso niya kaya bandang huli ay umahon na siya sa hot spring. Nagpaalam siya at binalot ang kanyang sarili ng twalya para pumunta sa washroom.

Binuksan ni Qiao Anhao ang shower at naghilamos ng malamig na tubig para makaramdam ng ginhawa. Itinaas niya ang kanyang ulo at nakita niya na sobrang pula ng mukha niya. Hinawakan niya ito at sa hindi malamang kadahilanan, bigla niyang naramdaman na parang naging excited siya, sobra sobra, kahit ang puso niya bigla nalang din bumilis ang tibok.

Bandang huli, hindi maintindihin si Qiao Anhao ang nararamdaman niya at unti unti ring nawawalan ng lakas. Parang nawawala siya sa sarili niya pero may hindi siya maintindihang excitement na nararamdaman.

Medyo bumilis ang paghinga ni Qiao Anhao at bigla nalang siyang natumba sa sahig.