Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 218 - Suspected Love (6)

Chapter 218 - Suspected Love (6)

Hindi napigilan ni Song Xiangsi na nakaupo naman sa tabi ni Zhao Meng na tumawa pagkatapos niya itong marinig. Halos mabaliw siya kakatawa at tumingin sa walang reaskyon at nakatalikod na si Lu Jinnian. Kinuha niya ang crayfish na nasa kanyang karton at ibinigay kay Lu Jinnian at pang-asar pero mahinang sinabi, "Mr. Lu, ayaw mo na bang maglaro?"

Walang reaksyon na tumingin si Lu Jinnian kay Song Xiangsi na mukhang tuwang tuwa. Hindi niya sana ito papansinin pero nakita niya sa gilid ng kanyang mata na sobrang abala ni Qiao Anhao na pagkain ng crayfish meat kaya kinuha ito ni Lu Jinnian mula kay Song Xiangsi at dahan-dahang binalatan sabay lagay sa karton ni Qiao Anhao.

Nawala ang pang-asar na mukha ni Song Xiangsi at seryosong tumingin kay Lu Jinnian. Ibinalik niya ang kanyang box sa kanyang harapan at muling nagbalat ng kanyang crayfish at pabulong na sinabi, "Masaya talagang magbalat ng crayfish. A hand full of oil, hehehe… ngayon lang ako nakapaglaro ng ganito kasayang laro…"

-

Malapad at mahaba ang lamesang binuo ng staff. Sa tapat mismo ni Qiao Anhao at Lu Jinnian umupo si Qiao Anxia. Napakaraming naguusap sa paligid niya pero konti lang ang naiintindihan niya.

Nang tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, tinitigan ito ni Qiao Anxia at hindi mawala ang atensyon nito sa walang imik na lalaki.

Hindi na ito bago kay Lu Jinnian dahil lagi naman itong cold. Pero pakiramdam ni Qiao Anxia ay may kakaiba kay Lu Jinnian dahil mukha itong hindi maipaliwanag na komportable.

Narinig ni Qiao Anxia ang walang kagana-kaganang sinabi ni Lu Jinnian na, "Wala kasi akong magawa, kaya binalatan ko nalang yan" at nakita niya rin na ipinalit ni Lu Jinnian ang kanyang karton kay Qiao Anhao.

Mula noong umupo siya, napansin niya na nagbabalat lang si Lu Jinnian pero hindi manlang ito kumain ng kahit anong crayfish. From the bottom of her heart, sobrang naguguluhan siya kung bakit ito gagawin ni Lu Jinnian. Pero matapos niyang marinig ang mga sinabi nito, bigla siyang kinutuban ng malakas- kaya kanina pa binabalatan ni Lu Jinnian ang kanyang mga crayfish ay dahil ibibigay niya ito kay Qiao Anhao.

Hindi maintindihan ni Qiao Anxia kung bakit niya biglang naalala ang sinabi ni Lin Shiyi sa kanya nang makasalubong niya ito sa restroom noong party ni Cheng Yang sa The Royal Palace. Ang sinabi sakanya ng aktres ay, "Paano ka nakakasiguro na ang taong gusto ni Lu jinnian ay hindi si Qiao Anhao?"

Noon, sigurado siya at 100% convinced na hindi si Qiao Anhao ang taong gusto ni Lu Jinnian.

Pero ngayon, hindi na siya sigurado.

Sino ba ang makakapagsabi na baka nakokonsensya lang siya, pero habang tinitignan niya sina Qiao Anhao at Lu Jinnian na magkatabi ay lalo siyang napapaisip kung may namamagitan nga ba sa dalawang ito.

Matagal na niyang gustong malaman kung sino ba talaga ang babaeng mahal ni Lu Jinnian at anong klaseng tao ito. Pero kahit kailan, hindi niya naisip na baka si Qiao Anhao ito.

May naramdaman si Qiao Anxia na hindi niya maipaliwanag. Pakiramdan ng pagdududa na lalo pang tumitindi hanggang sa hindi niya na napigilan ang sarili niyang mapailing ng malakas.

Kahit na walang namagitang kahit ano kina Qiao Anhao at Lu Jinnian noong mga nakaraang taon, matagal na silang magkakilala…plus, si Xu Jiamu. At ngayon, pareho pa silang nagtatrabaho sa iisang tv series, kaya siguro sila biglang naging malapit.

Ang tanging motibo ni lang Lin Shiyi kung bakit niya iyon sinabi ay para sirain lang ang kanilang sisters' relationship. Noong namatay ang mga magulang ni Qiao Qiao, nagiisa nalang ang natira niyang buhay na kamag-anak. Paano niya magagawang pagdudahan ni Qiao Anxia?