Maliban sa paminsan-minsan tunog ng ibon, tahimik ang bundok.
Tumatama ang sinag ng araw sa mansyon, nagbibigay ito ng tila gintong ilaw sa mansyon.
Nang pangalawang beses dumating si Qiao Anhao. Hindi niya maiwasan na mamangha na tila nasa lugar sila ng Taoyuan.
Tulad ng huli bukas ang gates ng mansion, kaya pumasok si Qiao Anhao. Nakita niya nakaparada ang sasakyan na ginamit nito malapit sa pool.
Dito pala siya nagtatago mag-isa… Tinigil ni Qiao Anhao ang sasakyan, bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa gate ng mansion.
Pinindot niya ang doorbell pero walang nagbukas. Lalong nag-alala si Qiao Anhao. Umikot siya ng mansion tulad dati. Nakita niya ang isang bintana na bukas kaya pinasok niya ito at pumasok sa mansyon.
Pumunta sa second floor si Qiao anhao kung saan kuwarto ni Lu Jinnian. Nang bubuksan niya ang pinto, bumukas ang pinto mula sa loob.
-
Nang magising si Lu Jinnian ng kinabukasan, medyo nahihilo pa siya nang makita niya si Qiao Anhao na yakap niya.
Nang gising na siya saka niya naalala na umalis siya mag-isa sa The Royal Palace. Hindi siya uminom ng marami pero nagmaneho siya sa kalsada ng Beijing. Umikot ang isip niya sa sinabi ni Qiao Anhao, "Ang first love ko hindi siya kasing saya o kasing interesante ng tulad sa inyo. Crush ko siya at mahal ng maraming taon, nag-aral ako para makasama siya sa first class. Nag-aral uli ako para maka pasok sa A college."
Pakiramdam niya may humawak ng mahigpit sa puso niya. Ang sakit na tila na bugbog ang katawan niya. Tapos pumunta siya sa bar para lunurin ang kalungkutan niya.
Matapos na umalis sa bar, malinaw na ang utak niya. Kontrolado na niya ang bilis ng kanyang sasakyan. Humihinto siya sa pulang ilaw, umaandar sa berdeng ilaw pero sa kung anong rason bumalik siya sa Mian Xiu Garden.
Malinaw niya naalala ang lahat ng ito sa kanya. Kahit ang mga sinabi niya sa kanyang puso, hindi siya nagkaroon ng pagkakamali.
Malalim huminga si Lu Jinnian dahil sa sakit niya sa likod. Tila lumala ito dahil sa pag-inom niya.
Simula ng bata pa sila gusto niya na mayakap ito. Tuwing magkakasakit o may sugat siya, sanay siyang mag-isa. Kaya umalis siya sa kama at sinuot ang damit at umalis.
Pinilit niyang magmaneho papunta sa mansyon sa Mount Yi. Balik tayo sa kwarto. uminom siya ng dalawang anti-inflamatory na tablets bago dumapa sa kama at na tulog. Hanggang sa marinig niya ang mahinang tunog ng doorbell.
Nang umalis siya ng kama nalimutan niya na magpalit ng tsinelas kaya naglakad siya yakap papunta sa pinto. Nang buksan niya ang pinto na kita niya si Qiao Anhao.
Nagulat si Lu Jinnian na tila isa itong ilusyon.
Gulat din si Qiao Anhao kay Lu Jinnian sa pagbukas nito ng pinto. Mabilis niyang inayos ang sarili at tinignan ang maputlang lalaki sa harap niya.