Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 186 - Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (8)

Chapter 186 - Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (8)

"Gaano ka siguradong hindi si Qiao Anhao ang gusto ni Lu Jinnian?"

Humarap si Qiao Anxia kay Lin Shiyi at ngumiti. Tinignan maigi si Lin Shiyi at tinanong ang actress, "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Miss Lin Shiyi tama?"

Kumurap si Lin Shiyi pero wala itong sinabi.

Nanatili ang high class manners niya ngunit ang lumabas sa kanya bibig ay marahas, "Miss Lin, wala man ako sa entertainment industry at wala akong pakialam, bukod sa kapatid ko.

"Tungkol naman sa kanya. Kaunti lang ang nalalaman ko. Nag-shooting kayo ng TV series ngayon, at ikaw ang orihinal na second female lead, tama? Kinuha ng kapatid ko sayo ang role… Base sa puntong iyon, ano man ang sabihin mo, lagi kong iisipin na may iba kang motibo. Ngayon lang tayo nagkakilala. Kaya sabihin mo nga sa akin paano ka nakakasiguradong paniniwalan kita kesa sa kapatid ko?"

Matapos magsalita ni Qiao Anxia, ngumiti lang ito kay Lin Shiyi at sinabi, "Pasensya na…" pumalis ng banyo.

"Miss Qiao, isang bagay pa, hindi mo siguro ito alam pero ng maaksidente si Qiao Anhao sa set. Nang mahulog siya sa swing hindi nagdalawang-isip si Lu Jinnina na saluhin ito. Dinala niya pa ito sa ospital. Dahil sa kanya nagalit ito na tinanggal lahat ng stage prop crew!"

Totoo ang sinabi ni Lin Shiyi, hindi siya sigurado kung ano nagawa ni Lu Jinnian para kay Qiao Anhao. Maliban doon gusto niyang mag-away ito at kumpiyansa niyang sinabi at tila selos din ito sa sitwasyon.

Tumigil sandali Qiao Anxia ng masabi ito.

Kilala na ni Lu Jinnian si Qiao Anhao ng maraming taon. Mukha namang malapit sila pero dahil asawa ni Xu Jiamu si Qiao Anhao. at kapatid ni Xu Jiamu si Lu Jinnian.

Kung nasa panganib ito natural lang na iligtas ito ni Lu Jinnian.

Lumingon si Qiao Anxia kay Lin Shiyi pero bahagyang kita na ang galit sa mata nito. "Miss Lin, wala akong pakialam kung ano ang motibo mo pero lilinawin ko lang huwag mong kantiin si Qiao Qiao at ang relasyon ko.

"Walang ng mas impportante pa sa kapatis ko. Hindi ako pakikipag-away sayo pero binabalaan kita. Malaman ko lang na minaltrato ang kapatid ko. Gagawin ko ang lahat mawala ka lang sa entertainment industry. Siguro hindi makikipag-away ang ibang tao sayo. Ibahin mo ako. Hindi ako nagbibigro. Kaya gawin ito ng Qiao family."

Dinurog ng mga salita ang pagiging prangka at marahas ni Lin Shiyi. Ngayon ang mukha nito ay tila na ilang at kabado.

Ngumiti si Qiao Anxia saka ito tumalikod at umalis.

Related Books

Popular novel hashtag