Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 164 - Ang Karma niya (6)

Chapter 164 - Ang Karma niya (6)

Tinignan ni Lin Shiyi si Qiao Anhao ng may pagkamuhi. Tinignan niya ito na tila gusto niya itong sirain.

Kalmado lang si Qiao Anhao at binigyan ng atensyon ang kanyang paligid. "Maraming tao sa paligid natin, naka tingin. Pigilan mo yan. Huwag mong hayaan na maging katawa-tawa."

Nagngitngit sa galit si Lin Shiyi. Nagpipigil na siya sa galit, kita iyon sa taas-baba ng kanyang dibdib.

Inalis ni Qiao Anhao ang kamay niya sa balikat ni Lin Shiyi bago eleganteng umalis. Ngunit bigla itong tumalikod nang matanto ang isang bagay, lumingon siya kay Lin Shiyi at sinabi, "Oo nga pala, nalimutan kong sabihin sayo na sinadya kong kunin sayo ang pagiging guest star sa variety show."

Gustong sampalin ni Lin Shiyi si Qiao Anhao ng dalawang beses pero maraming naka tingin sa kanila. Pilit niyang pinigilan ang galit niya kaya nagsimula manginig ang katawan niya.

-

Binigyan ng atensyon ni Song Xiangsi ang pagbibigay ng tubig ni Qiao Anhao kay Lin Shiyi.

Mula sa malayo mukhang nag-uusap bilang kaibigan sina Qiao Anhao at Lin Shiyi. Gayumpaman, kita ang talim ng kanilang titig sa isa't isa.

Pinagmasdan ito ni Song Xiangsi, hinawakan niya ang kanyang baba. Nasa kalahati na show, naisip niya na hindi pupunta si Lu Jinnian sa set dahil wala naman itong shoot. Kinuha niya ang kanyang telepono at nagpadala ng text kay Lu Jinnian. Magaganda para sa kanya ang makita ng kamalasan ng iba.

"Mr. Lu mukhang may problema sa pagitan ni Qiao Anhao at Lin Shiyi ngayon sa set."

-

Nang hapon, may video conference si Lu Jinnian sa Huan Ying Entertainment higher executives. Naka upo siya sa likod ng kanyang mesa at tinitignan sa monitor ang mga ginawa ng kanyang mga empleyado.

Biglang may natanggap na mensahe ang telepono niya. Tinignan niya ito ng makita galing kay Song Xiangsi ang message. Tinignan niya ang mensahe saka mahigpit na hinawakan ang telepono.

Kita sa malaking monitor ang mga galaw ni Lu Jinnian sa meeting room ng Huan Ying Entertainment, habang nagsasalita ito bigla itong tumigil.

Sa mga lumipas na taon, hindi pa nalingat sa meeting si Mr. Lu. Ito ang unang beses...

Ang lahat mukhang balisa, biglang tumayo si Lu Jinnian, kinuha ang jacket, lumingon sa screen at mabilis na sinabi, "May kailangan akong puntahan. Tapos na ang meeting ngayon."

Hindi na nagawang sumagot nito. Agad nito sinara ang computer, kinuha nito ang telepono at umalis ng hotel room.