Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 16 - Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (6)

Chapter 16 - Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (6)

Matapos umalis ni Lu Jinnian. Dahan-dahan itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at tumingin sa parte kung saan humiga si Lu Jinnian. Tinanggal niya ang malaki niyang teddy bear at pumunta sa gilid ng kama kung saan si Lu Jinnian nahiga, inaamoy niya ang amoy ni Lu Jinnian at dinama ang init na naiwan nito.

Huminga ng malalim si Qiao Anhao at niyakap ang kumot na ginamit ni Lu Jinnian na may naiwan pang init. At dinama ang lungkot sa kanyang puso.

Kahit may nasabi itong hindi maganda sa kanya, hindi niya pa rin kayang hindi mahalin ito.

Ang mga sinabi ni Zhao Meng kagabi sa 'To the End of Time' banquet ay tama hindi na sila kagaya noon.

Nung nagaaral pa sila ni Lu Jinnian mas malapit ito sa kapwa niyang lalaki at iniiwasan nito ang mga babae kahit anong mangyari. Nung mga panahong iyon isa siya sa mga babaeng kayang makipagusap sa kanya.

Pero hindi ito nakikipagusap sa kanya dahil special siya sa kanya dahil ito kay Xu Jiamu.

Malapit na malapit ang mga pamilya ng Xu family at Qiao family at lumaki siya kasama si Xu Jiamu. Half brother ni Lu Jinnian si Xu Jiamu parehas sila ng ama, kaya ang ibig sabihin nito marapat na anak si Lu Jinnian ng Xu family.

Hindi apektado sila Lu Jinnian at Xu Jiamu sa mga problema nang kanilang pamilya, si Lu Jinnian at Xu Jiamu ay naging malapit sa isa't isa at magkasundo silang dalawa.

Kaya naging isa si Qiao Anhao sa mga nakikipagusap kay Lu Jinnian sa pamamagitan ni Xu Jiamu.

Pero kahit naguusap sila, umiikot lang ito sa mga pagbati gaya ng "Hello" at "Goodbye".

Nang mga binata at dalaga sila, na walang inaalala, madalas niyang sundin ang kanyang pag-ibig. Kahit hindi siya yung uri ng babae na aamin sa isang lalaki, magsulat ng love letters o magbigay ng chocolate tuwing Valentine's day, patago niya lang itong hinahanap. Gaya sa school field o kaya pauwi ng bahay, hahabol siya dito at babatiin niya ito habang pinipigilan ang kanyang nararamdaman. Sasagot naman ito o kaya itatango ang kanyang ulo pero sapat na ito sa kanya para maging sobra saya niya.

Maraming beses niya pinapangarap ang hinaharap kasama ito, pero hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sa kanya. Kaya nanatiling ganon ang kanilang relasyon habang tinatago nito ang nararamdaman niya na lumalaki sa pagdating ng mga araw.

Pagkatapos niyang pumasok sa university, hindi niya alam kung bakit nagsimula si Lu Jinnian na may galit at paghamak.

Sa simula akala niya naging mas sensitibo siya dahil sa pagibig niya para dito.