Simula ng araw na iyon, tuwing may salu-salo si Xu Jiamu nagpupunta siya pero naging madalang sila magkita ni Qiao Anhao. Tuwing nagkikita sila hindi na ito nakipag-usap sa kanya.
Puno ng emosyon ang mata ni Lu Jinnian habang tinitignan si Qiao Anhao. Sakit, matinding lungkot at wala siyang magawa hanggang sa naging paghihirap ang kanyang emosyon.
Nagagawa niya lang ito nang hindi kita ni Qiao Anhao.
Kahit umarte siya ng walang paki-alam. Ang kanyang kalooban ay nag-aalala.
Huminga siya ng malalim para pigilin ang kanyang emosyon at hinalikan ang buhok niya. Hiling na masabing "Mahal kita," pero hindi niya magawa. Sinubukan niyang muli pero hindi talaga. Maingat siyang umalis.
May mga pag-ibig na hindi kayang sabihin.
Dahil mawawala ito kung sasabihin mo.
Maraming ng na wala sa kanya, gagawin niya ang lahat huwag lang itong mawala.
Kahit hindi maganda ang sitwasyon nila.
Madaling sabihin gusto mo ang isang tao pero kung sa pag-ibig nasa puso ito ng isang tao.
-
Kinabukasan, naka salubong ni Madam Chen Si Lu Jinnian at galing ito sa taas.
Nagulat siya sa pagbalik nito, iniisip niya kung ano oras ito umuwi kagabi. Matapos magulat magalang niya itong binati, "Magandang umaga, Mr. Lu."
Dumiretso ng pinto si Lu Jinnian at habang nagpapalit ng sapatos, sinabihan niya si Madam Chen, "Huwag mong sabihin kay Mrs. Lu na bumalik ako."
Matapos sumagot ni Madam Chen umalis agad si Lu Jinnian.
Nawala sa tulala si Madam Chen ng umalis na ang sasakyan ni Lu Jinnian.
Puno ng tanong ang utak ni Madam Chen. Napa-iling siya at nagtataka kung bakit tinatago ni Mr. Lu ang pag-aalala niya kay Mrs. Lu?
Matapos ng dalawang araw, hindi lumabas ng bahay si Qiao Anhao. Hindi bumalik si Lu Jinnian, ayon sa balita nasa lungsod ito.
-
Isang beses, malalim na ang gabi nang magising si Madam Chen para umihi. kita sa harap ng bahay ang sasakyan ni Lu Jinnian at sakay si Lu Jinnian. Matagal bago ito umalis.