"Oo," sagot ni Qiao Anhao bago nagpaliwanag, "Nang hapon kumuha na ako ng bagong Identification card kaya nalimutan kong tumawag."
"Oo," ginaya siya ni Lu Jinnian. Nagsalita ulit ito, "Gabi na matulog ka na. Dapat tulog na ang babae pag-gabi."
Alam ni Qiao Anhao nag-aalala para sa kanya si Lu Jinnian dahil pansin niya ito. Sigurado siya na gusto siya nito. Buong gabi siya nag-isip bago nagdesisyon na gumawa ng love letter.
Nang oras na iyon, nagpasya siya na tapusin ang sulat. Pagbumisita ulit siya sa Hangzhou at kumain. Patagong ilalagay niya ito sa coat niya pagpumunta ito sa banyo. Matapos anf 1 buong linggo, Halos magamit lahat ng brain cells niya para matapos ang 800 word letter.
Matagal na itong nangyari at hindi na niya maalala ang laman ng sulat. Ang naalala niya na magpahal, makapukaw-damdamin at nagdadagsiya ng lyrics ni Jay Chou 'Ang sikretong hindi maaring mabunyang',
Hindi ulan ang pinakamaganda.
Ito ay ang bahay kung saan tayo sumilong..."
At naalala rin niya ang naka tatak sa isip niya 7 na salita. Nasa dulo ito ng sulat, pinag isipan niya ito ng ilang oras: Habang buhay ikaw lang ang mamahalin ko.
Ang una niyang naisip "Habang buhay ikaw ang pinakamamahal ko." pero naisip niya na maaring magkamilli ito ng pag-unawa. Na isipin nito na magmamahal siya ng iba. Binago niya ang "pinakamamahal" sa "ikaw lang". Matapos niyang baguhin tinignan ito ni Xu Jiamu para siguradong madamdamin ang letter.
Nang makuha niya ang pagsang-ayon ni Xu Jiamu. Nagpunta s a Korean stationary shop sa Wu Dao Street para bumili ng magandang envelope. Kulay pink na papel na may peaches, habang baby blue ang kulang ng envelope. Pumunta siya sa school sinulat ang draft niya at nagwisik ng pabango niya.
Nang mga oras na iyon pinangarap niya kung gaano ito kaganda pero ng sumunod na pumunta siya ng Hangzhou tumanggi itong magkita sila.
Malinaw na may damdamin din si Lu Jinnian ng huli silang nagkita, nagbigay din ng pera para pang-uwi siya. Paanong bigla itong lumayo sa kanya ng ganon lang?