Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 109 - Ang sikretong hindi maaring mabunyag (3)

Chapter 109 - Ang sikretong hindi maaring mabunyag (3)

Ang totoong rason kung bakit siya umalis ay dahil, ang baliw na si Song Xiangsi ay nagtatanong tungkol sa nararamdaman niya.

Nang oras na iyon, masama ang mood niya kaya umalis siya, ng biglang umulan dahilan para maalala niya ang nakaraan. Hindi niya na malayan na papunta siya ng Mian Xiu Garden.

Hindi na nagpakita ng emosyon si Lu Jinnian, limang taon na ang nakakalipas. Gayumpaman, kahit hindi niya gustong sumagot sa 2 tanong biyaya pa rin sa kanya ang kausapin niya.

Kahit nagdadalawang-isip sumagot siya, "May gagawin pa ako kaya bumalik ako ng maaga."

Isang minuto ang lumipas saka lumabas ang pangalawang sagot niya. Nagduda dito si Qiao Anhao saka niya lang napagtanto na ang 2 tanong sinasagot niya, kaya agad siyang tumango. Lumipas ang sandali saka sumagot ng "Oh."

Ang tinahak na kalsada si Lu Jinnian ay ang kalsadang madalas niyang tahakin. Malapit kasi ang Bai Sheng shopping mall sa train station at 100 metro ang layo nito. Bukas pa ang train ng 10 pm ng gabi. Importante siguro ang pupuntahan ni Lu Jinnian para umalis sa kaarawan ni Song Xiangsi. Maikli lang ang distansya nito sa Mian Xui Garden kaya gabi na kung I-uuwi siya nito.

Bahagyang hirap si Qiao Anhao nang sabihin ito, "May malapit na train station mga 100 metro ang layo pwede mo na akong iwan doon. Sakay nalang ako ng train para mapuntahan mo na ang gagawin mo."

Masama ang tingin ni Lu Jinnian. Naging maunawain ba siya o iniiwasan siya nito?

Walang siyang reaksyon sa sinabi ni Qiao Anhao pero mahigpit ang hawak niya sa manilbela.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito na nagpapahiwatig na iniiwasan siya nito.

Alam ni Qiao Anhao na hindi siya pinansin ni Lu Jinnian at hindi niya alam kung aprobado o hindi ang mungkahi niya. Nang malapit na ang train station tinuro niya ito.

"Iyon yung train station..."

Nang sinabi niya ito lumagpas ang sasakyan at bumilis pa.

Related Books

Popular novel hashtag