"Huwag kang mag alala, hindi ako pupunta upang hanapin ka dahil kailanman ay hindi ka mananalo laban kay Feng Jing."
Nahaharap sa kahihiyan mula sa kanyang anak na lalake, ang mga mata ni Luo Yinghong ay namula ngunit hindi na niya sinubukan pang pigilan tulad ng dati niyang ginagawa. Dahil alam niya, ang kahulugan ng pag iral ni Feng Jing na ang kanilang relasyon ay lalo lamang magiging palayo ng palayo.
Pagkatapos nito, iniligpit na ni Luo Yinghong ang kanyang mga kagamitan at iniwan na ang bahay ng pamilya habang lihim na nanonood ang kanyang anak na lalake ng nasosorpresa. Pagkatapos ay bumalik ito kay feng Jing at nagsabi, "Ang aking ina ay tila hindi na nagbibiro sa pagkakataong ito."