Sa panahon na si Luo Sheng ay walang ginagawang pelikula, pinapanood niya ang pagsulong ng 'Journey'.
Sa katotohanan, naaalala niya na binanggit ni Long Jie na ang artista na bagong pinapirma ni Tangning at tinatawag na Xing Lan. Kaya partikular niyang hinanap ang may kabataan pang babae at napagtanto na siya ay talagang hindi kapansin pansin sa gitna ng karamihan ng tao ngunit siya ay punong puno ng tiwala sa sarili.
Ito ang isang bagay na gusto ni Luo Sheng tungkol sa kanya. Partikular na ng marinig niyang na sumali ito sa kumpetisyon na ang ginamit na kanta ay isang pambatang kanta, si Luo Sheng ay nakatitiyak na may kakayahan itong manalo ng first place.
Sa pagkakataong ito, naalala rin niya kung ano ang sinabi ni Long Jie tungkol sa kilalanin pang mabuti ang director; kahit pa hindi sila maging malapit na kaibigan, kahit paano siya ay magiging isang masunuring aktor.