Personal Manager. Ito ang hiling at layunin ni Tangning. Nang makita ang pagod na ekspresyon ni Mo Ting, dahan - dahan na minasahe ni Tangning ang balikat nito. Nang maramdaman ang mga tense na muscles na Mo Ting, sumakit ang kanyang puso. Naalala niya na kailangan niyang lumipad patungo sa France sa susunod na mga araw, kaya naman agad niya itong ipinaalala kay Mo Ting, "Sa loob ng dalawang araw, kailangan kong gawin ang location shoot, gusto mo bang sumama sa akin?"
"Saan?"
"Sa France. Napakarami mong trabaho, ayokong mapagod kang masyado. Ting ... magkaroon tayo ng kasunduan. Kapag kailangan kong magtungo sa ibang bansa, kailangang sumama ka sa akin. Tulad nito... saan man ako naroon, ay magkakaroon ng iyong mga bakas."
Sandaling nanahimik si Mo Ting. Napuntahan na niya ang iba't ibang lugar sa buong mundo, ngunit ito ay palaging dahil sa trabaho; hindi niya kailanman naisip na tumigil at magpahinga.