Kinagabihan, si Chen Xingyan ay bumalik sa apartment upang makita na ang kanyang game console ay naayos na. habang tinitingnan niya ito, ang kanyang mukha ay halatang punong puno ng kasiyahan.
Ngunit, hindi ba sinabi ni An Zihao na ipapadala niya ito pabalik sa factory sa Germany? Paanong kaagad itong naayos?
Kahit ano pa, tinawagan niya si An Zihao, "Natutulog ka na?"
"Magsalita ka," si An Zihao ay nakaupo ng mag isa sa kanyang sala, habang umiinom ng mag isa.
"Paano mo mabilis na napaayos ang game console? Sinong kahanga hangang tao ay gumawa nito? Paano nila nagawang ayusi ang isang produkto mula sa Germany? Kailangan ko silang makilala!"
"Ako ang nag ayos niyan." Si An Zihao marahil ay marami nang nainom. Kaya, sa ilalim ng impluwensya ng alcohol hindi siya kasing ilap katulad ng pangkaraniwan at mas lalo siyang naging mas direkta.
"Ikaw? Bakit tila napakaihirap iyong paniwalaan?" panghahamak ni Chen Xingyan.