Ilang sandali pa, nagtungo na si Song Yanshu sa sala. Nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Tang Jingxuan, sinubukan niyang manatiling mahinahon habang nauupo sa katapat nito.
"Magsalita ka, ano iyon? Gusto mo na naman bang magpahinga ulit?"
"Yanshu…" umupo ng diretso si Tang Jingxuan at seryosong tumingin kay Song Yanshu. "Alam ko kung anong nangyari kagabi."
Natigilan si Song Yanshu habang ang kanyang ekspresyon ay tila sa naiilang.
"Hindi ko alam kung bakit mo binabalewala kung ano ang nangyari, ngunit hindi ako maaaring magkunwari na walang nangyari," bumuntong hininga si Tang Jingxuan. Marahil siya ay nag aalala na matakot sa kanya si Song Yanshu, kaya ginawa niyang mas malumanay pa ang kanyang boses, "Gusto ko lamang malaman kung ano ang iyong iniisip."