Sa kaibuturan, alam ni Tang Xuan na kung gusto niya talagang makuha ang tiwala ng mga shareholder, kailangan niyang magpakita sa kanila ng resulta. Kung hindi niya malutasin ang problema sa Switzerland sa ngayon, kahit pa makuha niya ang posisyon bilang Acting CEO, ang mga bagay ay magiging tulad pa rin ng dati at wala pa rin maniniwala sa kanya.
At para kay Tangning. Siya ay nasa entertainment industry ng halos sampung taon na at walang ideya tungkol sa negosyo. Kaya, hindi na kailangang mag alala ni Tang Xuan na mas mauunang makagawa ng resulta si Tangning bago siya.
Hindi alintana ang lahat, siya ay nasa larangan na ng pagnenegosyo ng maraming taon. Hindi siya ang tao na pwedeng ikumpara kay Tangning ng ganoon kadali.
"Maraming salamat Xia Yuling para sa iyong sakripisyo at para sa pagtupad sa aking hiling!" iniisip ni Tang Xuan sa loob niya.
...