Si Lou Xing ay isang kilalang mang - aawit na sinilang sa kung saan at sinanay upang maging superstar ng Hai Rui, ngunit…walang nakakaalam ng tunay niyang katauhan. Hindi nila alam na ito ay ang ikaapat na master ng Tang Corps., ni hindi nila alam na si Tang Jingxuan ay nakababatang kapatid ni Tangning…
Kaya, ngayon na nalantad na siya ay pumagitna sa relasyon ng ibang tao at naging kinaiinisang 'ikatlong tao', ang reputasyong na pinagtrabahuan niyang buohin, ay lubhang nasira.
Pagkatapos ng lahat, hindi siya si Tangning. Kaya. Ang isang eskandalo lamang ay sapat na upang bumalik siya sa pagiging wala.
Sa loob ng resting lounge ng mga artista, nakita ni Tang Jingxuan ang pinakamainit na balita sa araw na iyon at tumawa ng nangungutya. Samantala, sa likuran niya, nanatiling tahimik ng ilang sandali si Song Yanshu bago ito nagsalita, "Ok lang iyan, ginagawa ng Hai Rui ang lahat ng kanilang makakaya upang maayos ang sitwasyon."