"Mom…relaks, huwag kang magalit. Wala ka bang tiwala sa iyong anak at manugang?" pag aalo ni Tangning. "Kailangan mo lamang na iwasan si Tang Xuan at subukan mo ang iyong makakaya na hindi magpalinlang sa kanya."
Bumuntong hininga si Xia Yuling at pinahinahon ang kanyang sarili. Pagkatapos ay walang magawang nagwika, "Ok."
"Huwag kang makipag - away sa kanya sa kahit ano mang dahilan, gagamitin lamang niya iyon upang magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan sa pamilyang Tang. Kailangan mo lamang na tratuhin siya na parang hindi siya umiiral…"
Dati nang naranasan ito ni Xia Yuling, "Ang tanging dahilan kung bakit ko pinapasan ang pamilya sa aking balikat, ay upang mapangalagaan kita, anak ko. Xiao Ning, huwag kang mag - alala, hindi na ako magpapaapi tulad ng dati."
"Mom…alam ko."
Pagkatapos ay tumawa ng marahan si Tangning, sinasadya niyang pagaanin ang pakiramdam ni Xia Yuling, "Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang isang magandang balita…"