Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 36 - Nag Pagnanais na Makontrol ang mga Artist

Chapter 36 - Nag Pagnanais na Makontrol ang mga Artist

"Kahit na nagsimula ako sa pagmomodelo sa France... noong mga panahon na naglalakad pa ako sa runaway, nagkaroon ako ng pagkakataon na makakilala ng mga European at American supermodels tulad nina: Heidi, Wengna at iba pa. Ang editor ngayon ng American Royal Magazine ay tagapayo ko sa loob ng kalahating buwan. Gayunpaman, baka hindi na nila ako makilala ngayon. Dati, walang may alam ng Chinese name ko - mas kilala nila ako sa pangalang Kira." mahinahong pagpapaliwanag ni Tangning.

Nang marinig nilang banggitin isa - isa ni Tangning ang mga pangalan ng mga sikat na European at American personalities, napakurap nalang ng kanilang mga mata si Long Jie at Lin Wei sa sobrang pagkabigla.

"Alam ko na gusto ni Han Rouxue na mawala na ako kapag nawalan ako ng pakinabang sa kanya .At alam ko rin na ginagamit lang niya ako para tulungang maiangat si Mo Yurou. Nang dumating tayo dito sa US, inakala niyang wala akong kalaban laban sa kanya kaya naman agad na niyang sinimulan ang kanyang mga balak.

"Hmmph, mga walang hiya!" bulong ni Long Jie.

"Kilala ko rin ang editor ng American Royal Magazine. Gusto mo bang kamustahin ang dati mong tagapayo?" biglang tanong ni Mo Ting na kani – kanilang lang ay nananahimik.

"Mo Ting, sinabi ko na noon pa sa'yo, ayoko na tinutulungan mo ako."

"Isipin mo na lang na para itong pribadong pagkikita ninyo," ngumiti si Mo Ting habang ang isang panig ng mukha nito ay kaakit - akit na nasisikatan ng araw.

"Hmmm... OK," tumango si Tangning. Syempre, hindi naman niya akalain na ang pribadong pagkikita nilang iyon ng kanyang mentor ang magiging dahilan upang madesisyunan ang laban sa pagitan nila ni Mo Yurou.

Nagmamay – ari ng isang asyenda si Mo Ting sa US, kaya naman hindi na nito kailangan na manatili sa isang hotel. Ang pure American-style na mga silid nito ay mainit at maaliwalas – mas komportable ito sa anumang suite ng hotel. Dahil sa medyo may kalayuan ito sa headquarters ng Secret, inutusan na ni Mo Ting si Lu Che na alamin ang iskedyul ng Secret Magazine. Napaghandaan na ni Lu Che ang lahat, pati ang oras ng hapunan nila ay alam nito. Napabilib si Tangning kay Lu Che ng matuklasan niya ang kakayahan nito, samantalang si Long Jie at Li Wei naman ay hindi maiwasang mag – isip – isip sa kani – kanilang mga sarili.

Pagkatapos na maligo ng mabilis, tumayo si Tangning sa harap ng binatana at tumingin sa labas nito. Sa pagakakataon ding iyon, lumapit si Mo Ting kay Tangning suot ang kanyang itim na robe - ang kanyang itim na buhok ay makikitaan ng mga butil ng tubig na tumutulo.

Kinuha ni Tangning ang tuwalya mula sa mga kamay niya, nakatingki itong nakatayo at sinimulan na tuyuin ang kanyang buhok. Samantala, seryoso naman niyang tinititigan si Tangning.

"Ano ang gusto mo? Masyadong mo akong tinitingnan ng seryoso ... "

"Iniisip ko lang, dahil maaga pa, kung maaari ako gumawa ng isang bagay na dapat hindi ko gawin..." Hinawakan ni Mo Ting ang baba ni Tangning at marahang hinalikan niya ang mga labi nito - ang kanilang mga dila ay nagsayaw ng magkasama. Pagkatapos nito, ang mga labi ni Mo Ting ay dahan - dahang nagtungo sa kanyang tenga at kaakit - akit na bumulong ito, "Noong nakasakay tayo sa eroplano, gusto kitang halikan ng matagal..."

Sumalyap si Tangning sa labas ng binatana, nag - aalala ito na baka may makakita sa kanilang tao mula sa labas, ngunit, hindi matiis ni Tangning ang pangungulit ni Mo Ting kung kaya natagpuan niya ang kanyang sarili na nawawalan na ng lakas para kontrolin ang kanyang katawan. Nanghihina siya sa tuwing nasa mga bisig siya ni Mo Ting.

Ang kanilang mga damit ay nalaglag na lamang mula sa kanilang mga katawan papunta sa sahig ng kanilang silid habang nahaharap ang bawat isa sa kani – kanilang pinakamahinang estado. Dahil nawalan na sila ng kontrol sa kanilang sariling mga katawan, natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili sa ibabaw ng malambot na kama.

Dahil sa maliwanag ang ilaw, malinaw ni Tangning nakikita ang magandang pigura ng katawan ni Mo Ting – na maaaring maihalintulad ang katawan nito sa isang western model. Ang kanyang katawan ay hindi payat at mahinang klase katulad ng isang tipikal na asyanong lalake, ang kanyang katawan ay matigas at matikas na may perpektong muscles na tila nililok ng magaling iskultor. Ang kanyang balat ay mamula – mula na kulay bronse - nawawala sa katinuan si Tangnin sa tuwing nasisilayan niya ang katawan ni Mo Ting.

Naiibigan ni Mo Ting ang ginagawang pagsusuri ni Tangning sa kanyang katawan – maging siya ay napapabilib nito.

Ang katawan ni Tangning ay angkop sa pamantayan ng isang international model; perpekto ang proporsyon ng katawan nito na may taas na 178 cm, ang bawat sukat ng parte ng katawan nito ay tama lamang at ang magandang pares ng maputlang at mahabang balingkinitang mga binti nito ay isang tukso na napakahirap na paglabanan kapag nasa tabi niya.

Ang dalawang tao ay tulad ng isang pares ng perpektong mga katawan na magkakasama; ito ay regalo na mula sa langit at ang dalawang ito ay para sa isa't isa.

Tumawa si Mo Ting, "Kung pananatilihin natin na ganito ang ating pigura habang buhay, ang posibilidad na magdiborsyo tayo ay zero."

Tawa lang din ang iginanti ni Tangning sa sinabi ni Mo Ting. Dahan – dahan niyang inangat ang kanyang kaliwang hamay at hinimas ang kanang tenga ni Mo Ting, "Gustong – gusto ko ang nunal mong ito, para bang ipinanganak ka na may hikaw."

Hindi na kaya pang pigilan ni Mo Ting ang nag – aalab niyang damdamin habang yumuko ito at idiniin ang kanyang mga labi sa labi ni Tangning. Ang kanyang mainit na palad ay hindi rin makontrol…

Naglabas si Tangning ng mahinang halinghing ng kasiyahan habang tinutugunan niya ito sa pamamagitan ng mapusok na paghalik sa tenga ni Mo Ting.

Ang dalawa ay nagpatuloy sa kanilang pagmamahalan. Nang sa wakas ay napagod ang dalawa, niyakap nila ang isa't isa at nakatulog. Pagkatapos nilang magising, sumandal sila sa isa't isa at bumulong ng mga matatamis na salita bago magiliw na ginawa ang gusto nilang gawin. Syempre, gaya ng dati, hindi nila ginawa ang huling hakbang ng kanilang pag – iisa, ngunit hinihiling ni Tangning na manatili nalang na ganito ang kanilang buhay – sapagkat napakaperpekto ng lahat!

...

Samantala, kumakain ng hapunan sa isang hotel si Han Rouxue kasama si Han Yufan at Mo Yurou. Nang makita nito na maingat na kumikilos si Mo Yurou, agad nitong sinabi, "Huwag kang matakot sa akin."

"Ruoxue Jie..."

"Hindi talaga ako nasisiyahan sa'yo para kay Han Yufan, ngunit wala naman akong magagawa, ikaw ang napagdesisyunan makasama ng aking kapatid. Dahil magiging isang pamilya na din naman tayo sa lalong madaling panahon, makakatiyak ka na kakampi mo ko." Hiniwa ni Han Rouxue ang steak na nasa harapan niya at inalagay ang maliit na piraso nito sa kanyang bibig. Pagkatapos ay malumanay niyang tiningnan si Mo Yurou, "Alam ko na para kayong tubig at apoy ni Tangning at si Tangning ay medyo mayabang sa panahong ito. Sa simula, dahil sa nangyari sa inyong dalawa, pakiramdam ko ay may utang tayo sa kanya, pero pagkatapos ng mga ginawa niyang kamakailan sa inyong dalawa, pakiramdam ko ay hindi siya karapat – dapat sa awa ko."

"Ang meeting bukas kasama ang Secret ay magsisimula ng 8 ng umaga, pero sinabi ko na sa assistant ko na sabihin kay Tangning na 9 ng umaga. Galit ang mga editor ng Secret sa mga taong hindi marunong ng tamang oras, kaya naman …. malamang na mapapalitan bukas si Tangning.

"Ngunit …. hindi ba ang plano ay dumalo kami ng magkasama sa shoot?" hindi maintindihan ni Mo Yurou ang mga kinikilos ni Han Rouxue.

"Sinabi ko lang na magkasama kayo sa shooting para gumawa ng paksang pag – uusapan at para maalis ang pokus sa iyong iskandalo. Ngayon na nasa US tayo, hindi lang siya ang Asian model sa paligid. Kapag dumating na ang oras, maaari tayong maghanap ng ibang modelo para makatrabaho kasama mo," pagpapaliwanag ni Han Rouxue.

"Hindi susuko si Tangning …"

"Ito ay desisyon ng magazine at walang kinalaman dito ang Tianyi. Kapag natapos na ang shoot, ang iyong halaga ay tataas. Samantalang ang career ni Tangning ay siguradong magdurusa pagkatapos malaman ng mga tao sa Beijing ang tungkol sa malamig na pagtanggap na nakuha ni Tangning dito sa US. Ito ay magsisilbing aral para sa kanya."

Nasabi na ito dati ni Tangning, si Han Rouxue ay ang klase ng tao na natutuwang kontrolin ang kanyang mga artist. Kaya naman, ang hitsura ni Tangning ng ito ay makarating sa US ay sapat na upang mag – apoy sa galit si Han Rouxue. Tila ba hahanap ito ng paraan para magdusa siya.

Pinagmasdan ni Mo Yurou ang dalawang taong nasa likod niya para suportahan siya at nakadama ito na malapit na siyang maging superstar. Paano nagagawa ng isang katulad ni Tangning na walang kahit na ano na makipagtunggali sa kanya?

Sa katunayan, naabishusan si Lin Wie ni Han Rouxue na alas 9 ng umaga ang pagpupulong kasama ang editor ng Secret, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, hawak na ni Mo Ting sa kanyang mga kamay ang tiyak na iskedyul ng shooting ng Secret Magazine. Kaya na ng makita ni Tangning ang pagkakaiba sa oras, nahulaan na niya kung ano ang nangyayari.

"Tangning, malinaw na gusto ka nilang mapatalsik, ano ang gagawin natin?"

"Dahil gusto ni Han Rouxue na mahuli ako, pupunta ako ng mas maaga…" sagot ni Tangning, "Pero, maging handa kayong dalawa; baka mapalitan ako."

"Matagal na aking handa," tugon ni Lin Wei, "Kasabay nito, naihanda ko na din ang paraan para maibalik ito para sa'yo…"