Chapter 259 - Wifey

Si Long Jie ang unang nakakita ng damit na isusuot ni Tangning. Sa sandaling binuksan niya ang kahon at nakita ang tapos na produkto, sa sobrang pagkabigla niya pwede nang magkasya ang itlog ng pato sa kanyang bibig. Bukod sa pagbigla, agad din niyang hinanap sa online ang presyo ng damit na ito…

Nang makita niya na ang tinatayang halaga ng damit na ito ay naglalaman ng hindi mabilang na mga zero, dahil sa sobrang pagkabigla niya ay bumagsak siya sa sahig…

"Tangning … ito … ito ay nabibilang sa Catherine Walker's Premium Collection. Nag – iisa lamang ito sa buong mundo! Ito ang brand na ginagamit ng British royal family."

Dahan – dahan na ibinaba ni Long Jie ang kahon; ang isang simpleng tali ng sinulid mula sa damit na ito ay maaaring maging katumbas ng isang taong sahod ng isang karaniwang tao.

Sa loob ng kahon, may isang kard na may nakasulat na, "Para sa aking pinakakamamahal na asawa."

"Ito … ito … binili ito ni Boss?"

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS

Related Books

Popular novel hashtag