Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 968 - Problema

Chapter 968 - Problema

Nakaupo't hindi makagalaw si Wei Chen sa kaniyang upuan. Iniunat niya ang kaniyang katawan at huminga ng malalim. Matapos nito'y tinapik niya ang kaniyang sigarilyo para mahulog ang abong namuo sa dulo nito.

Isang ulap ng usok ang bumulwak mula sa pagitan ng dalawa niyang mga daliri na may hawak sa kaniyang sigarilyo.

Tiningnan ni Wei Chen ang mga nanginginig niyang kamay, at hindi niya matulala sa loob ng ilang sandali bago siya nakapagsalita: "Talagang hindi gumagana itong ginagawa kong pagpupursigi dahil na sa katandaan ko na rin!"

Para tawagin ang iyong sarili na isang matanda kahit na ika'y tatlumpu't isang taon pa lamang ay isang malaking biro para sa karamihan ng mga tao. Pero sa Professional Scene, maituturing na isang matandang ermitanyo na nga si Wei Chen para sa kanilang lahat.

Simula noon, hanggang ngayon ay wala pang kahit na sinong manlalaro na ganito na ang edad ang nanatili sa Professional Scene.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS