Sa panayam na ito, kahit na hindi naitanong ang tanong na kung bakit binago ni Ye Qiu ang kaniyang pangalan sa Ye Xiu, wala namang naging problema dahil sa hindi naman ito ang naging pangunahing paksa ng panayam.
Sa kasagsagan ng panayam, hindi mapigilan ni Chen Guo na maisip na sana ay mas naging walang-awa pa si Ye Xiu sa pagsagot, at sumagot sana siya ng mga bagay-bagay na kagaya ng: "Walang-kwenta ang buong Excellent Era, kaya ako mismo ang sisira sa kanila.
Pero sa totoo lang ay tama naman talaga ang mga sinabi ni Chen Guo. Paghihiganti? Sa katunayan ay ito ang palaging nasa isipan ni Chen Guo sa mga panahong iniisip ni Chen Guo kung ano ang dahilan ni Ye Xiu sa ginawa niyang ito.
Pero sa kasamaang-palad, walang ipinapakitang pagpapahiwatig si Ye Xiu na gusto nga talaga niyang maghiganti sa Excellent Era. Gusto lang niyang talunin ang Excellent Era, dahil sa hindi sinasadyang nagkatagpo ang kanilang landas sa Challenger League.