Mabuti na lamang ay nagsimula ang pagpupulong na ito na para bang sila'y nasa isang kapihan lamang, dahil hindi naging masyadong seryoso ang nararamdaman ng bawat isa sa kanila.
Si Chairman Feng Xianjun nga ay dahan-dahan nang kumakalma, at hinihimok na niya ang lahat na pagbutihin pa ang kanilang ginagawa. Wala siyang naging pakialam kung ang Team na bubuuin nila ay mula sa nangungunang Team Tyranny o mula sa ika-sampung Team na Team Thunderclap.
Bilang ang Chairman ng Alliance, kinakailangang pantay-pantay ang pagtrato niya sa bawat isa sa kanila. Ito ay dahil sa kapag namalayan nila na may pinapanigan siyang kampo, mahirap iwasan na mayroong magreklamo sa kanila tungkol dito.