Kung ikukumpara sa naunang Chairman ng Alliance ay naging maswerte na si Feng Xianjun. Ito ay dahil sa mga panahong nagsimula na ang kaniyang pamamahala. Natapos na ang pamamalagi ni Ye Qiu sa Alliance, pinalitan ito ng paglitaw ng mga manlalarong mula sa Golden Generation.
Sa paglitaw ng mga talentadong manlalaro na ito ay naging mabilis ang pag-unlad ng Alliance.
Gayunpaman, kahit na naging maswerte naman si Feng Xianjun ay naging marami pa rin ang mga inaalala niya dahil sa kaniyang swerte.
Ito ay dahil sa kahit na masyadong maraming mga naging talento sa buong Alliance, walang kahit na sino sa kanila ang naging isang manlalarong kagaya ni Ye Qiu na mayroong kakayahang pamunuan ang buong Pro-Scene, at maging kinatawan ng Alliance para sa lahat.
Talagang hindi mapigilang malungkot ni Feng Xianjun sa mga sandaling kinakailangan niyang harapin ang katotohanan na ito.