Naglaglag ng tatlong piraso ng equipment ang unang boss ng pang benteng manlalarong dungeon, lahat ay asul o lila. Ito ang bagay na kahit ang Happy ay walang pakealam, lalo na ang Tiny Herb. Kahit na ba, hinati pa rin ng lahat ang mga equipment sa pamamaraan na napagkasunduan nila. Sa pangangailangan ng mga class. Napagtanto nila na may Karapatan sa tatlo si Lord Grim, sa pagrolyo ng dice para sa bawat isa.
Inaasahan n ani Wang Jiexi ang ganitong kalseng kawalahiyaan mula kay Ye Qiu pero talagang risonable ang kanyang mga dinedemanda. Sa tiyorya, kailangan talaga ng unspecialized characters ang mga equipment mula sa lahat ng class pero hindi maaari na hahayaan na lang ni Wang Jiexi ang ganitong paguugali. Kung asul at lila lang ang mga ito wala naman ito para sa kanya pero magagamit rin sa propesyonal na teams ang mga Orange na equipment. Sobra naman ang kailangan ni Lord Grim para sa lahat ng klase ng equipment bilang lamang na pagkumpetensya para sa kanya.