Pinalitan niya ang kaniyang mga kagamitan!
Hindi malaman ni He An kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sandaling ito. Hindi naman sa labag ito sa patakarang itinatag ng Alliance. Kasi kahit nga sa Professional League ay kadalasang ginagawa ito ng mga manlalaro.
Wala namang problema kung gustong palitan ng kahit na sino ang kanilang mga kagamitan basta't ito ay nasa kanilang Inventory. Kahit na parang isang malaking kalamangan yata ang kalayaang makapagpalit ng mga kagamitan kahit sa kailan mo gusto'y isang malaking problema rin ito.
Alam niyo naman siguro na habang mas nagiging marami ang dala-dalang kagamitan ng isang karakter ay mas magiging mabigat sila. Kapag naging mas mabigat ang isang karakter ay mas nagiging mabagal sila't mahinang gumalaw.
Kahit na sa loob ng laro ay hindi naman talaga ito importante ay isang malaking kahinaan na ito na maaring masamantala ng mga propesyonal na manlalaro sa Professional League.