Hindi inaasahan ni Qiao Yifan ang biglaang pag-atake ng kaniyang kalaban sa kaniya. Kahit na naging isang parte siya ng Professional League sa loob ng isang taon ay wala naman talaga siyang naging karanasan sa isang opisyal na labanan.
Kung kaharap niya ang isang ordinaryong manlalaro lamang ay hindi sila magkakaroon ng pagkakataon kaharap siya, pero kaharap ang mga manlalaro ng Team Everlasting ay malinaw na nahihirapan siya.
Ang pagkakataong nasamantala naman kasi ni Leopold ay isang pagkakataon na hindi magagawang samantalahin ng mga ordinaryong manlalaro lamang.
Sa huli ay masyadong kulang pa rin ang karanasan ni Qiao Yifan sa mga ganitong klase ng labanan, kahit na nagagawa naman niyang makipag-ensayo kasama ang mga propesyonal na manlalaro ng Team Tiny Herb ay masyadong malaki pa rin ang agwat ng isang tunay na labanan sa isang pag-eensayo lang.