Matapos bitawan ni Qiu Fei ang mga salitang ito ay tumalikod na siya para umalis. Nakahiga sa ilalim ng kaniyang lamesa si Chen Yehui. Natulala siya't matagal-tagal rin siyang nakabalik sa kaniyang katinuan.
Anong nangyari?
Nasuntok ba ako?
Talagang nasuntok nga si Chen Yehui. Talagang nasuntok nga siya. Hindi magawang paniwalaan ni Chen Yehui ang lahat ng ito. Wala naman tayo sa loob ng laro, kaya bakit pa natin kailangang labanan ang isa't-isa? Teka lang, baka maaring bigla na lamang siyang lumipat sa ibang mundo?
Hindi lamang si Chen Yehui ang nagulantang sa mga nangyari. May ilang mga empleado ring nakakita sa nangyari dito sa loob ng istudyo! Nakita ng lahat na sinuntok ni Qiu Fei ang kanilang Kuya Chen Yehui na kaagad namang bumagsak, at humandusay sa ilalim ng kaniyang lamesa.
Matapos ang isang minuto simula noong pag-alis ni Qiu Fei ay doon pa lamang nila namalayan na totoo pa lang nangyari ang lahat.