Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 799 - Walang Kwenta

Chapter 799 - Walang Kwenta

Tumakbo na rin sa laban si Li Rui.

Anim na manlalaro ang dinala ni Chen Yehui dito mula sa Training Camp, at tumakbo ang dalawa sa kanila. Hindi na sapat ang dami nila para sa isang Team Competition.

May saysay pa ba ang makipaglaban sa mga sandaling ito?

Sa tingin ni Chen Yehui ay wala nang kwenta ang makipaglaban pa. Ang anim na manlalarong kinuha niya mula sa Training Camp ay ang anim na manlalarong pinakamalakas sa buong Training Camp.

At kapag kailangan niya ng anim na manlalarong maaring maging kinatawan ng Excellent Era sa isang labanan ay ramdam niya na ang anim na kinuha niya lamang ang karapat-dapat na maging kinatawan nila. Gayunpaman, hindi nagtagumpay ang anim na 'yun na talunin ang Team Happy.

Kung hindi magawang talunin ng dalawang pinakamalakas na manlalaro nila ang mga manlalaro ng Team Happy ay ramdam ni Chen Yehui na hindi na kailangang lumahok pa ng natitirang tatlo sa mga susunod na laban.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS