Nakaramdam ng matinding pananabik si Chen Yehui matapos niyang maisip ang ideyang ito..
Nakagawian na nilang gumamit ng mga propesyonal na manlalaro noon para tumulong sa kanila kagaya nila Liu Hao.
Pero ngayong kahit na hindi na sila maaring gumamit ng mga propesyonal na manlalaro para tumulong sa kanila'y maari naman nilang gamitin ang mga maliliit na sundalo ng Excellent Era na nasa kanilang Training Camp.
Kampante si Chen Yehui na basta't ang mga kalaban ng mga batang ito ay hindi mga propesyonal na manlalaro'y malaki-laki ang chansa nilang manalo.
Habang iniisip ni Chen Yehui ang ideyang ito ay mas nagiging maganda ang pakiramdam niya tungkol dito. Gayunpaman, hindi siya nangahas na gamitin ang ideyang ito. Kailangan muna niyang hanapin ang kaniyang Manager na si Cui Li para maisalaysay sa kaniya ang naisip niyang plano.