Sa projector screen ay isang malaking katagang "Glory!" ang lumitaw. Pero para sa mata ng lahat ay isang kataga ito na talagang ayaw nilang makita. Lalong-lalo na sa mga panahong ito na ang pagkapanalo ni Soft Mist ang dahilan kung bakit lumitaw ang katagang ito.
Labis na nahiya si Easy Bro.
Pero tumanggi siyang tanggapin ang resultang ito. Ramdam niya na sapat naman talaga ang abilidad niya para talunin si Soft Mist. Pero hindi niya lubusang naipakita sa lahat ang tunay niyang lakas.
Sa tingin niya'y isa sa mga dahilan kung bakit nangyari ito ay dahil sa hindi pa handa ang kaniyang sarili para sa ganoong klase ng labanan o baka naman ay masyadong minaliit lamang niya ang kaniyang kalaban.
"Oh? Natalo niya ako? Hindi na masama. Mukhang kailangan kong seryosohin ang labanang ito." Sabi ni Easy Bro. Nilakasan niya ang kaniyang boses para marinig siya ng lahat.