"Tandang Lin, hindi ka ba lalabas at magpapakita diyan para makapag-ensayo ka?"
Narinig ni Lin Jingyan na tinatawag ni Ye Qiu ang kaniyang pangalan. Kung ang edad ang gagawing batayan ay sa totoo lang ay mas matanda pa si Lin Jingyan kay Ye Qiu. Pero kung ang karanasan naman sa paglalaro ang pag-uusapan ay mas matanda pa sa kaniya si Ye Qiu.
Pero hindi naman talaga kakaiba ang pangyayaring ito. Ang manlalarong mas maagang pumasok sa Professional Alliance ay maaring mas maging bata pa kaysa sa manlalarong natagalan ang pagpasok sa Professional Alliance.
Kasalukuyang nagpapaikot-ikot sa paligid ang Let There Be Light ni Ye Qiu. Malinaw na sinusubukan ni Ye Qiu na mahanap ang kaniyang kinaroroonan. Pero dahil hindi si Zhao Yuzhe, o Lu Hanwen si Lin Jingyan ay hindi niya pinansin ang ginawang panghahamon ni Ye Qiu.