Ika-apat na araw ng Hulyo. Sa ika-apat na araw ng panahon na kung saan maaring lumipat o mailipat sa ibang mga Team ang mga propesyonal na manlalaro.
Nagkatipon na naman sa loob ng Practice Room ang mga manlalaro ng Team Happy. Binati nila ang isa't-isa bago sila bumalik sa paglalaro. Kasalukuyang tumatakbo sa isipan nilang lahat ngayon ay kung gaano karaming BOSS ang lumitaw sa mga panahong natutulog sila.
Naging maaga ang pagtulog nila sa araw na ito kaya nasa kalagitnaan pa ng umaga ang araw nang sila'y magising. Siguradong naglalaro pa ngayon si Zhang Xinjie. Kahit na binago nila ang panahon ng kanilang pagtulog para mailagan si Zhang Xinjie ay hindi pa rin nila lubusang magagawa 'yun.
Gayunpaman, hindi na ito isang malaking problema pa para sa kampo ni Ye Xiu na kakagising pa lamang at punong-puno ng enerhiya para maglaro.