Malinaw na nakikilala ng Guild Leader sa Conquering Cloud ang taong haharapin niya. Sa totoo lang ay dapat sanang matuwa siya na may makakaharap siyang propesyonal na manlalaro dito sa loob ng laro kahit na sino pa man ang manlalarong 'yun.
Pero papaanong matutuwa pa ang Guild Leader ng Conquering Cloud na makaharap si Lord Grim sa sitwasyong ito.
Sa katunayan ay talagang hindi maganda ang sitwasyon ng mga manlalarong tagahanga sa mga maliliit na Team. Ito'y dahil sa mayroong mga mala-Diyos at malalakas na manlalaro ang mga malalakas na Team, habang sila naman ay walang kahit na anong maipagmamalaki.
Gayunpaman, hindi naman ito ang mga dahilan kung bakit sinusuportahan ng mga tagahanga ang mga maliliit na guild. Dahil diyan ay kadalasang mas matatag ang paniniwala ng mga tagahanga sa mga maliliit na grupo kaysa doon sa mga tagahanga ng mga malalakas na Team.