Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 652 - Ang Taktika ng Team Blue Rain

Chapter 652 - Ang Taktika ng Team Blue Rain

Kahit na nasira ng mga katagang binitawan ni Huang Shaotian ang naging maganda at pambihirang labanan ay hindi pa rin nawala sa alaala ng mga manonood ang nangyaring labanan.

Inaasam-asam ng mga manonood na sana'y ipalabas muli ang nangyaring eksena ng mas pinabagal para talagang makita nilang muli ng maayos ang naging detalyadong pagtakas ni Huang Shaotian sa mga kamay ng kaniyang mga kalaban.

Pero imbis na gawin 'yun ay ipinakita ng kamera sa lahat ng mga manonood na tahimik na pinalibutan pala ng mga manlalaro ng Team Blue Rain ang mga manlalaro ng Samsara, habang abala sila sa paghahabol sa Troubling Rain ni Huang Shaotian.

Napasigaw ang karamihan sa mga manlalaro ng Samsara, gustong-gusto talaga nilang umakyat para mabigyan ng babala ang kanilang mga sinusportahang manlalaro. Gayunpaman, ito'y isang bagay na talagang hindi nila magagawa kahit na gustong-gusto talaga nila itong gawin.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS