"Kamusta, Ye Qiu." Binati ni Jiang Botao si Ye Qiu. Si Zhou Zekai naman ay ngumiti lamang. Pero parang may gusto sana siyang sabihin kaso sa huli ay hindi na lamang siya nagsalita.
"Mukhang nahihiya pa rin yatang magsalita si Little Zhou, ah? Hahaha!" Napatawa si Ye Xiu.
Tiningnan ng lahat si Zhou Zekai, pero ngumiti lamang siya't walang naging reaksyon sa sinabi ni Ye Xiu tungkol sa kaniya.
Sa totoo lang ay hindi naman karapat-dapat ang isang taong hindi mahilig magsalita na maging Team Captain ng isang malaking Team. Ito'y dahil sa kapag nasa importanteng yugto na sila ng isang labanan, kinakailangang may masabi siyang mga kataga na pupukaw sa lakas ng kaniyan mga kasama.
Pero kahit na hindi siya magaling magsalita ay hindi matatalo ng kahit na sino man ang lakas ni Zhou Zekai sa paglalaro. Sa kasalukuyan ay maituturing na pinakamalakas na manlalaro ng Glory ngayon si Zhou Zekai.