Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 623 - Pangunahing Doktrina

Chapter 623 - Pangunahing Doktrina

Bakit, natatakot ka ba sakin?

Biglang naramdaman ni Tao Xuan na tumalon sa bintana't tumakbo sa kabilang kanto para mapuntahan si Ye Qiu at masampal siya hanggang sa mawalan siya ng malay at humandusay ng duguan sa lupa.

"Ako? Natatakot sa iyo?"

Isinulat ni Tao Xuan ang mga katagang ito, pero bago pa man niya ito naipadala ay naisip niya na baka parang sobrang seryoso naman ang sagot na ibibigay niya. Dapat ay hamakin niya ang tanong na ito't ipaalam si Ye Qiu na wala siyang kahit na anong karapatan para sabihin ito sa kaniya.

Mas mabuti bang hindi na lang ako sumagot? Nakalutang ang kamay ni Tao Xuan sa ibabaw ng kaniyang mouse. Matagal-tagal ring nag dalawang isip si Tao Xuan kung sasagot nga ba siya o hindi.

Sa wakas ay naintindihan na rin ni Tao Xuan ang sakit na dinanas ng mga kalaban ni Ye Qiu habang kinakaharap nila si Ye Qiu sa isang labanan ng mga salita. Sa isang katnungan pa lamang ay lubusang nagalit na si Tao Xuan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS