Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 597 - Mauuna Na Muna Ako Kasi Marami Pa Akong Gagawin

Chapter 597 - Mauuna Na Muna Ako Kasi Marami Pa Akong Gagawin

Bumagsak mula sa kalangitan si Unrivaled Super Hottie gamit ang kaniyang Heroic Leap. Kung ikukumpara sa bumabagsak na si Dazzling Spring, malinaw na mas mabilis ang pagbagsak niya kaysa sa kaniya. Dahil dito'y masyadong huli na ang lahat kung iilag pa si Zhang Jiale.

Tama naman na bilang isang mala-Diyos na manlalaro, may kakayahan siyang pawiin ang nailapat na Provoke, at magpalit ng direksyong paroroonan habang siya ay nasa hangin. Pero sa kasamaang-palad, isang mala-Diyos na manlalaro rin ang kasalukuyan niyang kalaban.

Alam na ng kaniyang kalaban na may kakayahan siyang gawin ito. Sa madaling sabi, pinaghandaan na ng kaniyang kalaban ang mga hakbang na maaari niyang gawin habang siya ay nasa ere.

Humampas ang espada ng Knight sa katawan ni Dazzling Spring. Sa lakas ng tama ay nag-iba ang direksyong tinatahak ni Dazzling Spring, at dahil dito. Imbis na dumapo ay nagpatuloy siya sa pagbagsak sa lupa.

Grabe itong taong 'to!

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS

Related Books

Popular novel hashtag