Talagang hindi napansin ng Samsara ang mga ginawang aksyon ng Tyrannical Ambition noong una.
Matapos gumamit ng Provoke ay kaagad na napunta sa Knight ng Samsara ang aggro ng BOSS, pero kaagad rin naman itong nakuhang muli ng Tyrannical Ambition. Sa ilalim ng pamumuno ni Ye Xiu, basta't naging mabilis lang ang aksyon ng mga Knight ay walang magiging problem sa aggro ng BOSS.
Dahil dito, para sa mata ng mga manlalaro mula sa Samsara, at kahit na para sa mga manlalaro mismo ng Tyrannical Ambition ay parang wala namang nangyari sa BOSS, nakaharap pa rin ito sa direksyong hinaharap nito noong una.
"Anong nangyayari?"
Hindi naintindihan ng mga manlalaro ng Tyrannical Ambition kung ano ang mga nangyayari, pero hindi sila nag-aalala sa kung ano man ang maaring mangyari. Gayunpaman, natataranta na ang mga manlalaro ng Samsara.